Matteo Guidicelli, inilahad ang gusto nilang kasal ni Sarah Geronimo at kung gaano sila kasaya sa kanilang relasyon ngayon

Kung nakaraan ay ating nasilayan ang madibdibang usapan ng aktres at TV host na si Toni Gonzaga, kasama si Mikee Morada na siyang fiancé ng kaniyang kapatid na si Alex Gonzaga.

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano Youtube

Ngunit sa pagkakataong ito, matapos ang ilang taon na huli silang nagkasama, isang malaking oportunidad para kay Toni ang muling masilayan at makausap ang aktor na si Matteo Guidicelli.

Sa panibagong video ni Toni ay makikitang bumisita ito sa food restaurant na pagmamay-ari mismo ni Matteo, ang The Gianni na siyang higit sa dalawang taon na ng simulang maipatayo ito ng kaniyang lolo.



Credit: Celestine Gonzaga-Soriano Youtube

Bahagi ng kanilang kwetuhan ay ibinahagi ni Toni na kung siya man ay magkakaroon ng baby brother, ang nais nya umanong maging kapatid na lalaki ay si Matteo.

Isa sa mga hindi makakalimutan ni Matteo kay Toni ay ang kanilang mga kwentuhan lalo na ang palaging pagbanggit umano ni Toni patungkol sa wisdom.

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano Youtube

At ng kamustahin naman ni Toni si Matteo patungkol sa panibagong yugto ng kaniyang buhay ngayon, bilang kasal na sa kaniyang asawa na isa sa mga mahusay na singer at aktres na si Sarah Geronimo, hindi naman maitago ang ngiti at labis na kasiyahan nito.

Kwento ni Matteo labis ang kasiyahan na nararamdaman niya ngayon lalo na at kasama niya ang kaniyang asawa na si Sarah sa bawat desisyon at plano na kanilang ginagawa ngayon bilang mag-asawa.

Credit: @matteog Instagram

Sa huling usapan nila ni Toni, isang taos pusong mensahe naman ang ibinigay ni Matteo sa naging katanungan nito sa kaniya patungkol sa kung ano ang “The best chapter” na nangyari sa kaniyang buhay ngayon.

“Your partner is your soulmate, whatever you do is for her, your future is for her, like you know when you think about it in the morning when you wake up you will realize, wow this is the woman I’m gonna live with forever.”

Bilang isang celebrity tulad ni Sarah, hindi madali ang kanilang pinagdaanan lalo na sa mga taong nagbibigay ng negatibong kumento patungkol sa kanilang career ngayon.

Ngunit naniniwala si Matteo at Sarah na ang pagiging isang mabuting mamamayan at mabuting ehemplo sa lipunan, ang siyang pinaka nararapat nilang gawin.



Credit: @matteog Instagram

“In the end of the day you know, I learned also in the army again we cannot control people`s mind , we should keep going forward, and be active and be the best example you can.“

The post Matteo Guidicelli, inilahad ang gusto nilang kasal ni Sarah Geronimo at kung gaano sila kasaya sa kanilang relasyon ngayon appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments