Alex Gonzaga, ipinasilip ang lugar ng pagtatayuan nila ng bahay ng kanyang fiance na si Mikee Morada

Nakilala man ng publiko bilang isa sa mga mahuhusay na aktres at singer sa industriya ng showbiz, ang dala-dala nitong goodvibes at positivity ay tiyak magbibigay kasiyahan at paniguradong sasak!t ang iyong tiyan sa kakatawa sa kaniyang mga kal0kohan.

Lagi mang kaasaran si Mommy Pinty sa tuwing sinasama nya ito sa kaniyang mga nilalabas na video sa YouTube, hindi naman maitatanggi na ang aktres at TV host na si Alex Gonzaga, ay isa rin namang mapagmahal na anak sa kaniyang mga magulang.

Credit: @cathygonzaga Instagram

Marami mang problema ang dumating sa kaniyang buhay na talagang sinubok ang kaniyang katatagan at paninindigan, ang pagdating ng kaniyang kasintahan na si Mikee Morada ang siyang isa sa mga nagbibigay sa kaniya ng kasiyahan.

Sa kabila ng mga ngiting iniiwan ni Alex sa kaniyang mga supporters at taga hanga, deserve din naman nito na maging masaya kaya ang pagdating ni Mikee sa kaniyang buhay ay tila’y isang biyaya na bigay ng Panginoon.



Credit: @cathygonzaga Instagram

Matatandaan na noong nakaraang taon ng simulang alukin ni Mikee ng kasal si Alex na agad namang pinaunlakan nito, ang siyang nagbigay excitement para sa aktres upang simulan na ang pagpaplano ng kanilang kasal.

Ngunit dahil sa pandemya, ang planong kasal umano nina Alex at Mikee, ay biglang naantala matapos makapitan ang aktres at kaniyang pamilya ng c0vid.

Credit: Alex Gonzaga Official on Facebook

Sa kabilan man nito, hindi lang dyan natatapos ang kanilang plano para sa kasal kung hindi ang planong bahay na kanilang titirhan ay kanila na ding inaasikaso sa ngayon.

Mula sa larawang ibinahagi ni Alex sa kaniyang Instagram, ay makikita ang naging demolisyon ng isang bahay na kung saan ay pagtatayuan mismo ng kanilang magiging “Future Home” ni Mikee.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Gonzaga (@cathygonzaga)


“Our demolish is halfway done to build our new and future home. Parang Samson and Delilah datingan namin pagkatapos magbabag 😂😂😂

Hindi pa man tapos ang demolisyon, makikita naman ang labis na excitement para sa kanilang dalawa na masimulan na ang planong bahay na kanilang titirhan pagkatapos ikasal.

Credit: @cathygonzaga Instagram

Bukod pa dito ay labis din naman ang ipinakitang suporta ni Mommy Pinty, sa kaniyang anak na siyang makikita sa naging comment nito sa naturang larawan nina Alex at Mikee na magkasama.



Credit: @cathygonzaga Instagram

“Congrats bunso daddy and I will help you on your construction praise God 🙏❤😘

Ang naudlot na petsa ng kasalan nina Alex at Mikee ay nakatakdang magaganap sa susunod na taon.

The post Alex Gonzaga, ipinasilip ang lugar ng pagtatayuan nila ng bahay ng kanyang fiance na si Mikee Morada appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments