Anne Curtis, nakagawa ng paraan para makapag ehersisyo sa tuwing ipinapasyal ang kanyang anak na si Dahlia Amelie

Sa kaniyang angking ganda at maayos na pangangatawan, sino man ay talagang mabibighani at siya’y hahangaan.

Bukod sa kaniyang husay sa pag-arte at pagiging isang host, siya rin ay isang hands-on mommy sa kaniyang anak na si Baby Dahlia Amelie at isa ding loving wife sa kaniyang asawa na si Erwan Heussaff.

Credit: Anne Curtis on Instagram

At ngayon nga na isa na rin sa mga celebrity mom, ang mga nakasanayang gawain noon tulad ng pag-eehersisyo ay isa sa mga hindi maaaring mawala sa kaniyang routine.



Credit: Anne Curtis on Instagram

Hindi man lubusang tumaba matapos ang kaniyang pagbubuntis noon, ang panatilihing fit at healthy ay isa sa mga mahalagang bagay para sa aktres.

Credit: Anne Curtis on Instagram

Kaya naman ang kaniyang pagiging hands-on mommy kay Baby Dahlia ay isa rin umano sa kaniyang advantage ngayon, dahil bukod sa pag-aalaga sa kaniyang anak ay naisisingit din niya ang oras ng pag-eehersisyo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)


Sa video na ibinahagi ni Anne sa kaniyang Instagram ay makikita ang naging pagwo-workout nito, habang hawak-hawak ang stroller ni Baby Dahlia.

“Squeezing in a workout is always tricky now that I have my little one. So happy to discover this fun way of working out while going on my daily walks with Dahlia. Thanks for the inspo @melissawoodhealth! It’s soooo good!”

Credit: Anne Curtis on Instagram

Ayon kay Anne, ang movement daw na kaniyang ginagawa kay Baby Dahlia ay isa din sa paraan upang maka idlip ito sa umaga.

“P.S – the back and forwards movement put her to 😴 in time for her morning nap 👏🏽

Dahil sa pagwo-workout na ito ni Anne, ay marami namang netizen ang napa “Sana All” at tila’y na-inspire sa magandang pangangatawan ng aktres.

“Ohhh this is great! *taking down note for future reference 📝



Credit: Anne Curtis on Instagram

“Wow nice ann i like ur routine exercise with ur pretty daughter❤❤❤

“Okkkk was thinking of missing my workout today… got inspired by thisss.”

Isinilang ni Anne si Baby Dahlia noong Marso 2, ngayong taon sa Melbourne, Australia.

The post Anne Curtis, nakagawa ng paraan para makapag ehersisyo sa tuwing ipinapasyal ang kanyang anak na si Dahlia Amelie appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments