Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, masayang ibinalita na sila ay engaged na at talagang bumuhos ang pagbati di lamang ng kanilang mga kaibigan pati na rin ng mga netizens

Pagdating sa halimbawa ng isang tunay na pagmamahalan ay marami talaga ang humanga kina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo dahil kahit na marami ang tila ba hindi kumbinsido sa kanilang relasyon noon ay napatunayan nila na ang kanilang pagmamahal para sa isa’t isa ay wagas at totoo.

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Noong nakaraan lamang ay nagdesisyon sina Andi at Philmar na magbakasyon sa Batangas kasama ang kanilang mga anak, ngunit ang hindi alam ni Andi ay doon na din pala balak ni Philmar na magpropose sa kanya.



Credit: Happy Islanders Youtube

Sa unang bahagi ng kanilang video ay makikita ang singsing na si Philmar mismo ang nagpasilip.

Credit: Happy Islanders Youtube

Naghintay ng tamang pagkakataon si Philmar upang maibigay ito at kahit kinakabahan ay talagang naging espesyal at memorable ang naging pagpo-propose nya kay Andi.

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Dahil dito ay talagang nagulat at natuwa si Andi sa kanyang mga narinig at sa ginawa ni Philmar. Bakas ang kanyang galak sa reaksiyon nito mismo nung oras na iyon pati na rin sa caption ng kanyang Instagram post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)


“I never thought about how my engagement would go because quite honestly, I didn’t think I’d have one. It would’ve been ok regardless, but it did happen. And it happened the way I wanted it and so much more. Nothing grand. Unprompted, simple and oh so sincere. That’s us. That’s him. That is how I want the rest of my life to be. I am over the moon, so stoked to be spending it with you my mahal @chepoxz!”

Di man inasahan ito ni Andi ay talagang lubos ang kanyang kasiyahan dahil ngayon ay talagang excited na syang makakasama habambuhay ang kanyang minamahal na si Philmar kasama na rin ng kanilang mga anak.



Credit: Happy Islanders Youtube

Matapos ang kanyang anunsyo ay talagang di na mapigil ang mga netizens pati na rin ang kanyang mga kaibigan at mga mahal sa buhay na magpaabot ng kanilang pagbati sa kanilang dalawa.

The post Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, masayang ibinalita na sila ay engaged na at talagang bumuhos ang pagbati di lamang ng kanilang mga kaibigan pati na rin ng mga netizens appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments