Tunay nga na mahirap man o mayaman, may pera man o wala ay hindi kailanman naging hadlang ito upang makatulong at makapagbigay ng ngiti at sigla sa karamihan sa kabila man ng hirap na naranasan ngayon ng bansa.
Ganito ipinakita ng young star na si Lyca Gairanod ang kaniyang labis na kagustuhan na makatulong sa kaniyang mga ka-baranggay kahit na sa maliit na pamamaraan lamang.
Ayon sa aktres isa ang Cavite sa labis na naapektuhan ng bagyong Rolly at karamihan sa mga pamilya na nakatira sa lugar na ito ay nawalan ng tirahan.
Dahil sa epekto na dinala ng bagyong Rolly, naging daan ito para kay Lyca na tumulong at makapagbigay ng mga pagkain sa kaniyang mga kabarangay.
Sa tulong ng young star at ng Team Charan ay namahagi sila sa bawat kabahayan ng kanin at ulam, na siyang nagsilbi namang malaking tulong sa mga pamilya na kanilang nabigyan.
Sa kanilang pag-iikot at pamamahagi ng pagkain, kapansin-pansin naman ang mga ngiti at ang labis na pasasalamat na ipinakita ng mga taong natulungan ni Lyca sa kanilang lugar.
Sa pagtatapos, labis naman ang kasiyahan na naramdaman ni Lyca sa kaniyang ginawa upang makatulong sa kanilang mga kabarangay kahit sa maliit na paraan lamang.
Pinasalamatan din niya ang mga taong tumulong lalo na ang Team Charan na kaniyang nakasama sa pamamahagi ng mga pagkain.
Dahil sa tulong at kabaitan na ipinakita ni Lyca sa kaniyang mga kabarangay, marami namang netizen ang naantig at natuwa sa ginawang tulong ng young star sa kaniyang murang edad pa lamang.
“Such a kind-hearted young lady may God continue to bless you more Lyca! ”
“God Bless you more Lyca, my heart melted watching this video. You never forget to look back. Stay safe to all.”
“Kahanga-hanga ka Lyca. Hindi mo pinabayaan ang kinagisnang lugar mo at ang pinagmulan mo. Ang galing ng pinmulat ng magulang mo sa into. Salute sa iyo and your family at sa mga barkada mo.”
“Since at her very young age untill now she is getting more mature but still the same the little girl i knew…very humble that is why i pray for your success lyka…”
“It takes alot to help the community and it takes alot for you to get help to prepare everything so I just want to say MARAMING SALAMAT TO YOU AND YOUR HELPERS Y’ALL ARE THE BEST!!!”
The post Lyca Gairanod, masayang namigay ng pagkain sa kanilang lugar bilang pagtulong sa mga naapektuhan ng nakaraang bagyo appeared first on The Trending Planet.
Source: Trending Planet
0 Comments