Silipin ang napakagandang modern minimalist na bahay ni Kris Bernal sa Los Angeles

Kris Bernal, masayang ipinakita sa kanyang Youtube channel ang House Tour sa Los Angeles, California.

Ibang klase ng pagsisikap at pagtityaga ang ibinubuhos ng mga taong nagsisimula pa lamang magpatayo ng kanilang mga bahay.



Credit: Kris Bernal Youtube

Hindi rin biro ang inilalaan na oras at pera lalo na kung sarili mong bahay ang ipinapagawa mo. Kailangan ang mahabang pasensya dahil hindi naman kaagad naitatayo ang isang bahay.

Umaabot ng 1-3 years bago ito mabuo, ngunit paniguradong sulit naman dahil matitirahan ito ng iyong buong mag-anak at minsan ay gugustuhin mong ipakita o ipagmalaki sa iba.

Credit: Kris Bernal Youtube

Isa sa mga sumisikat na vlog sa Youtube ay ang mga HOUSE TOURS, kung saan ibinibida ng mga vlogger o celebrity ang kanilang mga bahay dahil sa ganda nito o kung ano ang istorya sa likod ng kanilang mga naglalakihang bahay.

Sinubaybayan ng mga netizens ang Los Angeles House Tour ng sikat na aktres na si Kris Bernal.

Credit: Kris Bernal Youtube

Isa sa pinaka requested na video ng mga “SHE-zums!” ni Kris ay ang LA House Tour nito na kanyang iniupload noong December 2019.

Ayon kay Kris, nakatira sila sa isang village kasama ang kanyang kapatid na registered nurse sa California.



Credit: Kris Bernal Youtube

Ang kanilang bahay ay mayroong 3,750 SQ FT na may Modern Minimalist na theme at 5 bedrooms.

“It’s not as bongga as other celebrity houses! Pero dug0, pawis, at kaluluwa naman ang binuhos namin para dito!” ani Kris.

Paminsan minsan lamang siya nagbabakasyon sa LA dahil siya ay busy sa trabaho dito sa Pinas at ang kanyang kapatid ang nakatira doon kasama ang asawa nito.

Pinuri si Kris dahil sa kanyang kababaang loob at narito ang ilang komento sa kanyang vlog:

“Thanks for the tour of your beautiful house. Your such a kind and sweet.”

Credit: Kris Bernal Youtube

“She knows how to manage her money and for those branded stuffs its also an investment, she can sell later as pre love items…”




“You deserve a million subscribers. Before di kita masyado bet pero simula nung nakapanuod akong vlog na ikaw mismo nagdeliver ng order ng buyers grabe!! Amazinggggggg!!! Sobrang humble & simple lang 😍😍😍💓💓💓 loveyou shezums!!!”

The post Silipin ang napakagandang modern minimalist na bahay ni Kris Bernal sa Los Angeles appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments