Dating Aktres Na Si Cynthia Luster Heto Na Pala Ang Buhay Matapos Iwanan Ang Showbiz

Noon ngang panahon ng 90’s ang isa sa pangunahing libangan lamang ng mga tao at kabataan ay ang makinig ng radyo o manood ng telebisyon dahil sa wala pa naman noon ang mga gadgets tulad ng cellphone at laptop.




Taong 90’s nga ng maging popular sa telebisyon ang mga action themed asia movies, kung saan sumikat sina Bruce Lee at Jackie Chan sa mga pelikula nilang may halong martial arts at kung fu. Sila nga ang naging inspirasyon ng ilang martial arts practitioner upang subukan ang swerte nila sa showbiz industry.

Photo Credit: #cynthialuster/Instagram

Si Cynthia Luster o Yukari Oshima, ay isang Japanese actress at martial artist na ipinanganak noong December 31, 1963 sa Nishi-ku, Fukuda, Japan. Isa siyang Japanese-Chinese nationality dahil ang kanyang ama ay isang Japanese businessman at isa namang fasion designer na Chinese ang kanyang ina.

Photo Credit: #cynthialuster/Instagram

Bago pa man naging kilala sa ating bansa si Cynthia Luster ay mas nauna siyang nakilala sa bansang Hong Kong, dahil sa mga action movies na kanyang nagawa.
Isa siya sa mga kilala noong 1980’s na Japan’s brightest female martial artists.

Photo Credit: #cynthialuster/Instagram

Bago pa maging kilala bilang brightest female artists si Oshima sa bansang Japan ay nag aral siya ng kanyang junior high school ng Goju-ryu Seigokan karate sa Ennouji Dojo.

Photo Credit: #cynthialuster/Instagram

Isa nga sa mga pelikulang nagawa ni Oshima sa Hong Kong action cinema ay ang “babes and bullets”. Ginampanan rin iya ang karakter ni “Farrah Cat” sa pelikula noon na Bioman, kung saan ay hindi lang ito sa bansang Japan napanood kundi maging sa ibang panig ng mundo.

Photo Credit: #cynthialuster/Instagram

Matapos ngang humina ang karera ni Oshima sa Hongkong, ay nagtungo siya sa Pilipinas upang dito ay magsimulang muli ng bagong career bilang si Cynthia Luster noon ngang 1990’s.

Photo Credit: #cynthialuster/Instagram

Hindi naman maitatanggi na maraming mga Pilipino ang umiidolo kay Jackie Chan, kaya naman si Cynthia ang naging pseudo female equivalent nito.

Ilan ding mga pelikula ang nagawa ni Cynthia Luster sa industiya ng showbiz dito sa Pilipinas, at isa nga sa kanyang pelikula ay ang ”Once Upon a Time in Manila”, kung saan ay nakasama niya rito popular local celebrity na si Bossing Vic Sotto.

Matapos nga ang namayagpag na kasikatan ni Cynthia sa Pilipinas, ay nagdesisyon itong manumbalik sa kanyang bansa sa Fokuda, Japan upang doon na permanenteng manirahan pagkatapos niya magretiro sa pagiging isang martial-arts actress.

SA ngayon ay tahimik at maayos na naninirahan si Cynthia Luster, sa kanyang sariling bansa kung saan ay isa siya sa mga nagpopromote ng turismo sa kanilang bayan.




Isa na rin sa mga co-founder at teaching staff si Cynthia ngayon sa eskwelahan na kanyang ipinatayo at ipinangalan kasunod sa kanya ang ‘Yukari Oshima Action School.’

Ilan nga sa mga sources ang nagsasabi na tila ipinapasa ni Cynthia ang kanyang kaalaman sa martial arts sa mga bagong henerasyon “Passing the Torch”, dahil sa ngayon ay aktibo siya sa pagtuturo at pagte-train ng mga batang aspirants tungkol sa mga stunts at maging sa acting workshops.



Source: Famous Trends

Post a Comment

0 Comments