Megastar Sharon Cuneta, nagbigay ng pasilip sa kanyang ipinapatayong napakalawak na bahay

Naging usap usapan noon ang pahayag ng Megastar Sharon Cuneta ang kanyang planong magpatayo ng bahay. Matapos ang ilang panahon, nakikita at naisasakatuparan na ni Sharon ang kanyang mga naisin.



Credit: @reallysharoncuneta instagram

Ngayon, nagsisimula na ang konstruksyon ng kanilang bahay at ito ay unti-unti ng naitatayo. Kaya naman, makikita sa IG ni Sharon ang mga paunang plano at ginagawa sa kanyang lote.

Makikita sa video ang napakalawak na lote na ito ni Sharon. Ngayon, ay inuumpisahan na ito at makikita ang mga equipments na nagsisimula ng gawin ang pundasyon ng tila napakalaking bahay na ito.

Credit: @reallysharoncuneta instagram

Bukod pa dito, makikita din na napakaganda ng lugar at napaka refreshing nito dahil sa mga puno at napakagandang view sa kapaligiran.

Credit: @reallysharoncuneta instagram

Saad naman ni Sharon, napaka hands on daw talaga ng kanyang contractor dahil binibigyan talaga niya ng mga larawan at videos si Shawie at ng mga updates sa bahay. Kaya naman, talagang gaganahan kang makita ang ipinapatayong bahay na ito.



Credit: @reallysharoncuneta instagram

At dahil excited talaga si Mega, hindi na talaga niya mapigilan ang kanyang sarili na mag post ng updates na ito.


“When your contractor constantly updates you with video & photos of the construction of your house, and you cannot contain your excitement! Plus, it makes you so happy to know that many construction workers are making a living while building your home during this time of C0VID!❤😊🙏🏻🙏🏻🙏🏻💖 @limchoc.construction,” saad ni Sharon sa IG caption.

Credit: @reallysharoncuneta instagram

Nabanggit din ni Sharon na natutuwa siya dahil habang naitatayo ang kanyang dream house ay nakakatulong din siya sa mga nagtatrabaho dito. Nasa pandemya man ay nakapagtatrabaho at sila ay kumikita para sa kanilang pamilya.



Credit: @reallysharoncuneta instagram

Alam naman nating lahat na talagang napakahirap ng buhay ngayon lalo na sa panahon ng pandemya kaya naman malaking tulong itong trabahong ito mula sa Megastar para sa mga trabahador ng bahay na ito.

The post Megastar Sharon Cuneta, nagbigay ng pasilip sa kanyang ipinapatayong napakalawak na bahay appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments