Lyca Gairanod, naging emosyonal nang makita ang gown na kanyang isinuot nung sumali sya sa The Voice Kids

Ang muling balikan ang mga ala-alang nagbigay inspirasyon at pag-asa matapos makamit ang tagumpay, ay isang natatanging bagay na hindi mapapalitan ng ano mang halaga.

Ganito na lamang pahalagahan ng muhasay na singer at The Voice Kids Season 1 grand champion na si Lyca Gairanod, ang mga bagay na siyang nagpapa-alala sa kaniyang ginawang pagsusumikap noon.



Credit: Lyca Gairanod Youtube

Kaya naman upang ibahagi sa publiko ang kaniyang important milestone, ipinakita niya ang mga gowns at dress na kaniyang sinuot sa mga TV guestings, special events at bago hirangin na grand winner.

Una na nga sa mga damit na ito ay ang isang Yellow gown, na kaniyang sinuot noong naimbitahan siya sa isang evening talk show na ‘Aquino & Abunda tonight’, upang i-promote ang kaniyang unang music album.

Credit: Lyca Gairanod Youtube

Sumunod naman ang isang light blue na gown na inspired mismo sa movie na “Frozen”, na kaniyang isinuot naman para sa unang selebrasyon ng kaniyang kaarawan sa The Voice Kids.

Credit: Lyca Gairanod Youtube

Matapos nito ipinakita din ni Lyca ang kaniyang isinuot na Peach at Beige gown noong Battl3 Rounds at Sing-Off.



Credit: Lyca Gairanod Youtube

Para naman sa final round, isinuot niya ang isang Pink na gown na kung saan ay kinanta niya ang kantang “Narito ako”.

At matapos nito hindi naman napigilan ni Lyca na maging emosyonal, matapos balikan ang hirap na kanilang pinagdaanan noon ng kaniyang pamilya, habang ipinapakita ang isinuot niyang printed black dress na kaniyang ginamit noong siya ay nag Blind Audition.

Credit: Lyca Gairanod Youtube

Ayon kay Lyca, ang dress na ito ang pinakamahalagang damit para sa kaniya, dahil ito ang nagpapaalala ng kanilang mga ginawang sakripisyo at pagsusumikap noon upang mabili ito.

Credit: Lyca Gairanod Youtube

“Almost 6 years na tong damit na to sakin, talagang iningatan ko kasi syempre nga po, napakahalaga nito sakin. Itong damit na to hindi ito kayang palitan ng kahit anong damit lang, kasi itong damit na to talagang sobrang memorable, sobrang halaga nitong damit na to sakin.”



Credit: Lyca Gairanod Youtube

Ang mga damit na ginamit noon ni Lyca at binigay ng kaniyang ina ay makikitang talagang iningatan at nagbigay ng magandang ala-ala, na hindi mapapalitan ng kahit anong mamahaling bagay at matutumbasan ng ano mang halaga.

The post Lyca Gairanod, naging emosyonal nang makita ang gown na kanyang isinuot nung sumali sya sa The Voice Kids appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments