Kris Bernal, ipinasilip ang magiging plano ng kanyang ipapatayong bahay bago magpakasal

Mula sa kaniyang nalalapit na pagpapakasal, hindi maitago ng Kapuso actress na si Kris Bernal ang labis na excitement, sa pagpaplano ng magiging itsura at disenyo ng bahay na kanilang tutuluyan ng kaniyang fiance na si Perry Choi.



Credit: Kris Bernal Youtube

Kaya naman isinama ni Kris ang publiko sa kaniyang naging pagplano kasama ang kaniyang ina at pinag-usapan ang magiging disenyo ng bahay na kanilang ipapatayo.

Mula sa kasipagan at pagsusumikap ng aktres sa kaniyang trabaho bilang isang artista, nakapagpundar ito ng isang lote na siyang tatayuan ng kaniyang magiging dream house.

Credit: Kris Bernal Youtube

“The lot, I bought it way back 2012 to 2014. It’s also located in Quezon City. Binili ko ‘yon, katas din ‘yon ng trabaho ko na inipon ni Mom.

Ayon kay Kris, hindi niya magagawa ito kung wala ang kaniyang Mommny Analyn, na siyang tumulong sa kaniya upang i-manage ang kaniyang pera at ipunin ito para sa mga mahahalagang bagay.

Credit: Kris Bernal Youtube

“Kasi of course ‘nung nagsisimula ako, si Mommy ‘yung naghahawak ‘nung pera ko kasi baka magastos ko din sa mali.

“So in fairness naman kay Mommy, isa talaga sa mga good decisions talaga namin and good investments namin itong lot na nabili namin.”



Credit: Kris Bernal Youtube

Pagdating naman sa magiging disenyo ng kaniyang dream house, isa umano sa unang gusto ni Mommy Analyn ay ang modern-Mediterranean house design, ngunit sa pagkakataong ito ay naisipan nila na gawing Zen house design ang maging itsura nito.

Isang long horizontal frontage ang plano ni Kris at ng kaniyang ina, na may 3 palapag na siyang magigiging basement, ground floor at 2nd floor.

Credit: Kris Bernal Youtube

Magmula sa basement,ay makikita na dito ilalagay ang magiging office ni Kris, kasama ang kanilang swimming pool, lanai, theater room, play room, guest room, gym, maids at diver`s room, utility room, storage room, linen room, at laundry area.

Pagdating naman sa ground floor, dito makikita ang kanilang living room, dining room, foyer, clean kitchen, dirty kitchen, powder room at parking.



Credit: Kris Bernal Youtube

Para naman sa 2nd floor, hindi maaaring mawala ang pangarap ng aktres na magkaroon ng isang malaking walk-in closet, master`s Bedroom, at 3 bedrooms kasama na ang magiging kwarto ni Mommy Analyn.

Nakatakdang ikasal si Kris at Perry sa susunod na taon.

The post Kris Bernal, ipinasilip ang magiging plano ng kanyang ipapatayong bahay bago magpakasal appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments