Sino nga ba ang hindi mamangha sa mala-paraisong mansyon ng isa sa mga inaabangan at sinusubaybayan ng publiko, na siyang isa din sa mga kilalang pamilya sa bansa, ang pamilya Pacquiao.
Ngunit sa kabila ng kanilang mala paraisong mansyon, ay may isang artist ang siyang may natatanging kakayahan na hinangaan at tinangkilik magmula sa kanyang sariling disenyo matapos i-landscape ang malawak na hardin ng pamilyang Pacquaio sa General Santos City.
Ang landscape artist nga na ito ay si Roy Bacalso ng Roy of Green Style Landscape and Design, na siyang nagpaganda at nagpabilib sa karamihan mula sa kaniyang angking kakayahan.
Sa sampung taon ng pagiging landscape artist ni Roy, nakilala nito ang kapatid ni Jinkee, na si Janet Jamora Jumalon na siyang naging daan upang makilala nito si Jinkee at kaniyang napahanga mula sa kaniyang mga obra.
Ayon kay Roy, sa isang pag-uusap kasama ang pep.ph, ang mag-asawang Pacquiao ang isa sa kaniyang mga naging kliyente at nagtiwala sa kaniyang angking kakayahan na mapaganda ang kanilang hardin.
“Sila Sen. Manny and Madame Jinkee, ‘ag nagpatrabaho yan sa akin, they just leave everything based on my imagination and artistry.”
Sa bawat pagpaplano na ginagawa ni Roy, kasa-kasama niya si Jinkee sa bawat magandang ideya na kanilang naiisip upang maging bongga ang maging kalalabasan nito.
Ngunit bago mabighani si Jinkee sa naging obra ni Roy, kaniya munang sinubok ang kakayahan nito ng ipagawa dito ang kanilang ikalawang hardin sa Mansion 2.
View this post on Instagram
MANSION2 THANK you for the Trust madame @jinkeepacquiao And sen @mannypacquiao Completed Project
Maliban sa pagiging isang artist at kaniyang kliyente, tinuring din ni Roy ang mag-asawang Pacquiao bilang kaniyang mga mentor at mga mabuting kaibigan.
“Working with them was a great opportunity that God has given to me.”
Ayon kay Roy dahil umano kina Senator Manny at Jinkee, nabago ang kaniyang buhay dahil mas nakilala at mas lumalim pa ang kaniyang relasyon sa Panginoon dahil sa nagawang malaking tulong nito sa kaniya.
“They are my spiritual mentor I became a believer and a Christian because of their spiritual influence in my life.”
Tunay nga na hindi lang matulungin ang pamilyang Pacquiao, kundi sila rin ay magandang ehemplo sa lipunan pati na rin sa mga taong kanilang natulungan.
The post Kilalanin ang tao na pinagkakatiwalaan nina Jinkee at Manny Pacquiao sa pagpapaganda ng kanilang mga garden appeared first on The Trending Planet.
Source: Trending Planet
0 Comments