Carla Abellana, ipinasilip ang kanyang condo unit sa Pasig na ngayon ay kanya ng ibinibenta para maging dagdag budget sa pagpapagawa ng kanyang magiging dream house

Ang Kapuso actress na si Carla Abellana ay isa sa mga hinahangaan ngayon na Pinay Celebrity, maliban sa kaniyang angking ganda na pumukaw sa mata ng masa, kundi pati na rin ang kaniyang mahusay na pagganap sa mga teleserye at pelikula na kaniyang pinagbidahan at kinabilangan.



Credit: Carla Abellana Youtube

Nagsimula ang karera ni Carla, nang paghusayan nito ang pagganap sa kaniyang unang teleserye na pinagbidahan noong taong 2009, ang isang Mexican Telenovela na “Rosalinda”.

Matapos nito, ay samu`t saring projects at TV guestings na ang kaniyang natanggap na siyang nakatulong naman sa kaniya upang mas ganap na makilala at mahalin ng publiko.

Credit: Carla Abellana Youtube

Hindi na lingid sa kaalaman ng iba na bago pasukin ni Carla ang pag-aartista, siya ay naging bahagi muna ng Rockwell Land Corporation na kung saan sya ay nagtrabaho sa Human Resources Department.

Credit: Carla Abellana Youtube

Habang siya ay nagta-trabaho sa Rockwell Land, ay pinangarap din ni Carla na makabili ng unit o property sa mismong pinagtatrabahuhan.

Kaya naman ang dating pangarap lang niya ay kaniyang nabili mula sa kaniyang pagsusumikap at pagtitiyaga na makamit ito kahit baguhan pa lamang noon sa showbiz.



Credit: Carla Abellana Youtube

“I bought this unit or this property during pre-selling noong bago pa lang ako sa showbiz. Binili ko siya pre-selling so hindi pa as expensive so it’s been about 6 years already more or less. I bought it, if I’m not mistaken, 2013 or 2014.”

Credit: Carla Abellana Youtube

Ngunit sa mismong video naman din ay itinama na ito at sinabi nyang 8 years na pala ito mula nang kanyang mabili noong 2012.

Credit: Carla Abellana Youtube

Makalipas nga ng ilang taon na paninirahan sa kaniyang naipundar na condo unit sa The Grove by Rockwell sa Pasig, ay kaniya naman itong ipinagbibili upang makapagpatayo naman ng kaniyang future dream house.

Credit: Carla Abellana Youtube

Mula sa kaniyang video na in-upload sa YouTube channel nito, ay ipinasilip ni Carla ang kaniyang Condo Unit para sa mga may gusto at interesadong bilhin ito.

Maliban sa kaniyang binebenta na condo unit, ay kasalukuyan namang pinagkakaabalahan ni Carla ang kaniyang online business.

Narito naman ang naging komento ng ilan sa mga netizens:

“Happy to see your blog again ate carla,,, simple but meaningful…dream, believe , succeed 💕💕💕… I’m Praying for your dream home… ate carla.. with kua tom… Love u both tomcar😘😘😘 God bless poh 😍😍😍



Credit: Carla Abellana Youtube

“Nice place… real properties are absolutely good investments.. I am sure this will be sold in no time… Super ganda ng owner/seller eh.. love you ❤❤❤

The post Carla Abellana, ipinasilip ang kanyang condo unit sa Pasig na ngayon ay kanya ng ibinibenta para maging dagdag budget sa pagpapagawa ng kanyang magiging dream house appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments