Andrea Brillantes, ipinasilip ang kanyang ipinapagawang sariling bahay na malapit nang matapos

Ang sikat na child star na ngayon ay isa ng full-pledged actress na si Andrea Brillantes, ibinida sa publiko ang nalalapit na pagtatapos ng bahay na kaniyang sinimulang ipagawa noong Oktubre ng nakaraang taon.



Credit: Andrea Brillantes Instagram

Mula sa kaniyang socmed post ay nagbigay ng update si Andrea, na siyang makikita sa mga larawan ang loob at labas ng ipinapatayong bahay para sa kaniyang pamilya.

Credit: Andrea Brillantes Instagram

Matatandaang noong Oktubre ng nakaraang taon, ay ibinahagi ng aktres sa kaniyang vlog ang panimulang konstruksiyon ng kaniyang ipinagawang tatlong palapag na bahay.

 

View this post on Instagram

 

🥺❤✨

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe) on


Marami namang netizen ang nagbigay ng kanilang suporta at kumento pati na rin ang ilan sa mga kasamahan ni Andrea sa showbiz.



Credit: Andrea Brillantes Instagram

“Congrats malpit na♥

“Congrats baby girl!!!!”

“So proud of you mami! ♥♥

“Ate im so proud of you ate vlog mo naman po yung bahay nyo”

Credit: Andrea Brillantes Instagram

Sa kabila ng paninirahan nila Andrea sa squatter’s area noon, ay nagsimulang mangarap ang aktres na tumira sa isang subdivision kasama ang kaniyang pamilya, na ayon sa kaniya ay gusto niya maranasan nila ang magkaroon ng sariling aircon.

“Sa squatters po. Simple lang po talaga. Magulo. Nakikitira lang kami sa grandparents ko.” Saad ni Andrea sa isang panayam ng Rated K.

Credit: Andrea Brillantes Instagram

“Gusto kong malagay yung family ko sa subdivision. May hagdan, may aircon and gusto ko kasi magkakasama na kami.”

Kaya naman ang dating pinangarap lang niya noon, ay unti-unti ng natutupad ni Andrea mula sa kaniyang pagsusumikap sa trabaho upang mabigyan ng maganda at maayos na buhay ang kaniyang pamilya.

Credit: Andrea Brillantes Instagram

Sa kabila nito hindi na kataka-taka ang na-achieve ni Andrea na sampung milyong followers sa Instagram, na siyang hindi rin naman inakala ng aktres na mararanasan ang ganitong klaseng pagmamahal at suporta na kaniyang natanggap.



Credit: Andrea Brillantes Instagram

“Happy 10M Never ko po inakala na aabot ako sa 10M sobrang saya ko na dati sa 500k tapos ngayon 10M na kayo na finofollow ako, di ako makapaniwala na may ganun kadaming tao na gustong makita ang mga daily posts ko grabe😭🙏🏼 maraming salamat sa bawat isa sainyo❤ ang dami kong na achieve ng dahil sainyong lahat❤ thank you ulit and i love you all so much❤😭

The post Andrea Brillantes, ipinasilip ang kanyang ipinapagawang sariling bahay na malapit nang matapos appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments