Andi Eigenmann, inamin na hindi pa din sila agad makakabalik sa Siargao pero masaya pa rin dahil kasama nya ang kanyang mga anak na gumagawa ng mga makabuluhang activities

Mula sa video na ibinahagi ng aktres at full-time mom na si Andi Eigenmann sa kanilang YouTube channel na ‘Happy Islanders’, isang masaya at malungkot na balita ang hatid nito para sa kanilang mga supporters.



Credit: Happy Islanders Youtube

Malungkot man sa balitang hindi sila makakauwi ngayon ng Siargao, makikita pa din ang pagiging positibo ni Andi sa kabila ng pagkawalay sa kaniyang kasintahan na si Philmar Alipayo.

“While it’s okay to be upset or sad sometimes, it also doesn`t hrt to be positive and just fine the silver lining in everything. And also, other than that, there are also other ways or things that we come up with, to cheer ourselves up and make ourselves feel better.”

Credit: Happy Islanders Youtube

Kaya naman upang mabaling ang lungkot na nararamdaman, naisipan ni Andi at ng kaniyang mga anak na sina Ellie at Lilo na pumunta ng playground sa condo na kasalukuyan nilang tinutuluyan pansamantala.

Kwento ng aktres na isa sa mga nakakapagpagaan umano sa kaniyang mood ay ang pag-eehersisyo nito at ang kaniyang tinuturing na ‘Ultimate Love’ ang Surfing, na siyang nakatulong sa kaniya upang maging masaya at makilala ng lubusan ang kaniyang sarili.

Credit: Happy Islanders Youtube

Hindi man sila buo ngayong pamilya, masaya at panatag pa din ang aktres dahil ligtas ang kaniyang mga anak, ang kanilang pamilya at pati na rin si Philmar.

“For me the silver lining is that I get to be with my girls and that every member of our family, all of our love ones are safe and healthy. As much as we wish that the three of us and Philmar are altogether, are all complete, I`m also really glad that he`s safe and healthy over there in the Island,”



Panggigigilan naman ang cuteness ni Baby Lilo na tila`y mapapansin ang kagustuhan nito na agawin ang spot light ng kaniyang Mommy Andi, habang ikinukwento nito ang kanilang masayang balita patungkol sa pagbubuntis ng aktres.

Credit: Happy Islanders Youtube

Ngayon na ika-25 weeks na ang ipinagbubuntis ni Andi, excited na ang aktres na masilayan ang kaniyang ikatlong baby at hangad din niya na sa kaniyang ikatlong trimester ay makasama na nila muli si Philmar.

The post Andi Eigenmann, inamin na hindi pa din sila agad makakabalik sa Siargao pero masaya pa rin dahil kasama nya ang kanyang mga anak na gumagawa ng mga makabuluhang activities appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments