Yamyam Gucong, ibinahagi ang kanyang simpleng pamumuhay sa probinsya pati na rin ang kanyang pag-ani at paggiling sa mga tanim nilang mais

Iba nga naman talaga ang buhay sa probinsya. Sariwang simoy ng hangin at malayo ito sa polusyon ng siyudad. Napakasimple lang din naman ang buhay at lahat ay masaya sa simpleng paraan.

Iyan ang buhay na kinalakihan ng PBB Otso Big Winner na si Yamyam. Ipinakita ni Yamyam sa kanyang latest vlog content ang kanyang buhay sa probinsya.



Credit: YAMYAM’SVLOG Youtube

Nakakabilib ang kanyang ipinakitang pagtatrabaho sa sakahan. Laking bukid si Yamyam kasama ang kanyang ama. Kaya naman, natuto siya sa pagsasaka.

Makikita din dito kung paano umani si Yamyam ng mga bunga mula sa tanim nilang mais at mani. Tinuro pa ito ni Yamyam sa kanyang subscribers kung paano ginagawa ito.

Credit: YAMYAM’SVLOG Youtube

Kung titignan, ay hindi naman din nila kailangang magtrabaho pa sa bukid dahil naibibigay nila ang kanilang pangangailangan.

Pero, sa kabila nito ay pinili pa ring magtrabaho ng kanyang ama kahit pa may edad na ito. Nakasanayan na rin kasi niya ito at kung titigil ay baka mas manghina ito.



Credit: YAMYAM’SVLOG Youtube

“Siyempre naawa ako sa Papa ko kasi matanda na, magbubukid pa. Ayaw magpapigil eh kasi siyempre nirerespeto ko siya kasi parte na rin ‘yan ng buhay niya. At the same time, siguro nakakatulong pa ako sa health niya kasi siyempre parang nag-eexercise ka na din ‘pag nagsasaka ka,” sambit ni Yamyam.

Samantala, bilib na bilib ang mga netizens sa ipinakita ni Yamyam.

“Nakakaproud kasi di kpa din nagbago … You always put your feet on the ground … Stay humble yam i am your new subscriber .. We love you 😘😘😘 watching from taiwan ❤❤❤ godbless you always”.



Credit: YAMYAM’SVLOG Youtube

“Bukod sa proud aq ka yam2 sa pagiging down to earth Yung baso na ginamit nya pag inom ng tubig,, baso nang nescafe, naalala q tuloy Yung buhay namin sa probinsya noon,, kinalakihan na nmin na baso sa nescafe ang ilan sa mga baso namin.. Nakaka miss ang buhay probinsya, at pag sasaka☺

The post Yamyam Gucong, ibinahagi ang kanyang simpleng pamumuhay sa probinsya pati na rin ang kanyang pag-ani at paggiling sa mga tanim nilang mais appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments