Sa panahon ng krisis na kinakaharap natin ngayon, ay tunay nga namang napatunayan natin na sadyang nasa dugo na ng mga Pinoy ang pagiging madiskarte. Sa kabila ng maraming pagsubok na kinakaharap nating lahat ngayon, ay marami sa atin ang hindi nawawalan ng pag-asa at patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay.
Basta’s marangal, kahit ano nga namang diskarte, at pamamaraan, upang kumita ng pera para may pangtustos sa sarili o pamilya, ay ginagawa nating mga Pilipino.
Kahit pa nga ba mga kilalang Filipino Celebrity, ay hindi rin ligtas na naapektuhan ng krisis, kaya naman ang ilan sa kanila, ay makikita natin na gumagawa na rin ng iba’t ibang diskarte at paraan upang magkaroon sila ng extrang pagkakakitaan.
Isa na nga sa masasabi nating madiskarteng celebrity ngayong panahon ng krisis, ay ang dating kapuso actress na si Nadine Samonte, na kung saan ngayon, ay sinusubukan ngayon ang kumita ng extra sa pamamagitan ng pagtitinda ng mga “Dried Fish.”
Matatandaan na si Nadine Samonte, ay unang nakilala ng publiko ng siya ay maging isa sa mga finalist noon ng GMA-7 talent search na StarStruck, kung saan natapos na mapabilang dito ay nagkaroon na rin siya ng ilang mga proyekto sa Kapuso Network.
Sa ngayon ay isa ngang freelance artist si Nadine, at ito ay matapos niyang ipahayag noong October 2014 na bukas siya sa anumang TV network na nagbibigay sa kanya ng proyekto.
Si Nadine, ay kasal sa kanyang asawang negosyante na si Richard Chua, at sila ay mayroong dalawang anak at ito ay sina Heather Sloane at Austin Titus.
Kamakailan nga lamang, ay matapang na inihayag ni Nadine, na isa sa kanyang pinagkaka-abalahan ngayong panahon ng krisis ay ang kanyang pagiging isang opisyal na seller ng mga iba’t ibang uri ng “dried fish.”
Ayon pa sa dating aktres, walang dapat ikahiya sa pagiging isang tindera online ng mga “dried fish”, dahil ito’y isang hanap-buhay na marangal. Sinabi rin ni Nadine, na proud siya bilang isang “New Danggit at Dilis Queen.”
Ibinahagi rin ng aktres, na hindi siya nahihiyang magtinda ng mga danggit, dilis o kung ano-ano pang mga dried fish, ito ay dahil sa panahon ngayon na nakakaramdam tayo ng krisis, ay talaga namang isa ito sa mga produktong abot kamay ng masa, at patok na binibili ng madla.
“Yes we sell dried fishes na din. You know why? Nung nakatikim ako nito, super sarap y? actually matagal na ako bumibili niyan and lagi kami meron dito sa house kasi fav din ni heather ang danggit at dilis.
“Etong mga dried fishes na to are fresh from Masbate, tapos unsalted lahat kaya masarap. We sell by batches etong mga nandito ngayon lahat sold out na po. We will post next batch availability and prices.”
Kalakip nga ng caption na ito ni Nadine, kung saan ay proud niyang sinabi ang kanyang pagiging isa niyang “dried fish” seller, ay makikita ang mga ibinahagi niyang larawan ng kanyang mga paninda.
Ilan nga sa mga uri ng “dried fish” na tinitinda ng dating aktres, ay “danggit, sweet posit, palad flakes, big dilis boneless at small dilis.” Marami namang mga netizens, ang hinangaan ang dating aktres, dahil sa kanyang pagiging simple at madiskarte.
Mapapansin pa nga sa ilang mga komento na mula sa mga netizens, na may ilan sa kanila ang nagtatanong kung bukas ba si Nadine sa mga gustong mag-reseller ng kanyang paninda.
Maliban sa pagiging isang “dried fish” seller ni Nadine Samonte, ay nagtitinda rin ng mga beauty products online ang dating aktres.
Source: Famous Trends
0 Comments