Sikat Na Singer Comedian Rumaraket Sa Pagtitinda Ng Mga Kakanin At Palitaw

Sa pinagdaanan kris ngayon ng ating bansa, ay hindi lang basta mga ordinaryong tao ang tunay na naapektuhan, dahil maging ang ilang mga kilalang celebrities ay apektado rin, kaya naman may ilan sa kanila ang naghanap ng bagong mapagkakakitaan, kung saan ay makakatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.



Isa na nga sa mga ito ay ang kilalang komedyanteng si Gladys Guevarra, na proud sa kanyang bagong pinag kaka-abalahan ngayon at ito ay ang kanyang bagong pinagkakakitaan kung saan ay aminado siya na malaki ang tulong nito sa pinansyal niyang pangangailangan ngayon.
Photo Credit: igladysguevarra/Instagram
Matatandaan na si Gladys ay isa sa mga komedyante na nagtatrabaho rin sa comedy bar na Zirkoh at Klownz, kung saan ay isa ang mga ito sa mga negosyong nagsara dahil sa lubha itong naapektuhan ng krisis ngayon.
Kaya naman upang magkaroon pa rin ng kita, sa kabila ng pagkawala ng trabaho, ay nagdesisyon si Gladys na magtinda ng mga kakanin, katulad na lamang nga ng palitaw, yema, puto cheese at salted eggs.
Ayon nga kay Gladys, masaya siya sa takbo ng kanyang negosyo ngayon, dahil malaking achievement umano sa kanya ang malaman na ang mga nakakatikim ng kanyang paninda na siya mismo ang nagluluto at gumagawa, ay talagang nasasarapan sa mga ito.
Ngunit sa kabila ng maayos at desenteng pinagkakakitaan ni Gladys ngayon, ay hindi pa rin siya nakaligtas sa mga taong mapanuri, na talagang nagbigay ng negatibong komento tungkol sa pinagkakakitaan niya ngayon.
Sa kanya ngang social media account, ay ibinahagi ni Gladys ang isang pangyayari sa talipapa, kung saan ay naka-encounter siya ng isang babae, na hindi umano makapaniwala sa kanilang hanapbuhay ngayon.
“Sabi nung kausap ko sa talipapa kanina . . . Ha?! Eh di ba artista ka? Bakit nagtitinda ka ng palitaw?” “ Weh ano naman, ngayon ate, naisip mo pa yun? Ang requirements bas a pagtitinda, kailangan hindi ka artista?”
“Tarantula pala tong si Ate eh! Hahaha! Gusto ko pa nga magtinda ng turon, halo-halo, ginataan, totong, lumpiang sariwa, pancit, lumpiang-pritong gulay. Ano problema dun?”
“Ikaw nga ate, nakatayo ka lang sa talipapa, nakikipag-tsismisan ka sa tinder. Hahahaha!”
Ayon nga sa komedyante, noon pa man ay pinaplano na talaga ang pagnenegosyo ng mga kung ano-ano na pwede niyang lutuin o gawin, ito ay dahil sa mahilig nga siya magluto.
“Ate, hindi pa uso ang Covid balak ko na magtinda ng barbecue sa harap ng bahay ko. Hindi lang pwede, kase mga kapitbahay ko, congressman, senators, mayors.”



“At kaya ako umalis dun, hindi inabot ng ayuda. Bhuset!”, ito nga ang naging kwento ni Gladys. Marami naman ang humahanga kay Gladys, dahil sa kahit nawalan ito ng trabaho sa naging pagsasara ng comedy bar, ay hindi naman ito nawalan ng pag-asa sa buhay.
Tunay nga naman na sa panahon ng krisis, hindi kinakailangang isipin o intindihin ang sasabihin ng ibang tao, dahil ang importante, ay ang marangal ang naging paraan mo upang kumita ng pera ng ikinabubuhay mo at ng iyong pamilya at wala kang inaapakan na ibang tao.


Source: Famous Trends

Post a Comment

0 Comments