Sharon Cuneta, ipinasilip ang kanyang napakaraming koleksyon ng magagandang relo at ibinahagi rin ang kwento sa likod ng ilan sa mga ito

Isang bagong koleksyon naman ang inyong matutunghayan, mula sa isa sa mga tinangkilik at hinangaan ng publiko, ang nag-iisang “Mega Star” na si Sharon Cuneta.

Maraming Pinay celebrities ang nahilig mangolekta ng mga bagay na siyang nakapagbibigay kasiyahan at kaligayahan sa kanilang mga puso.



Credit: @reallysharoncuneta instagram

Kaya naman hindi nagpahuli ang singer at aktres, na si Sharon nang ipakita nito sa publiko ang kaniyang koleksyon ng mga relo.

Ayon kay Sharon, karamihan sa kaniyang mga koleksyon na relo ay may sentimental value at ilan rin sa mga ito ang nakabighani sa kanyang damdamin.

Credit: Sharon Cuneta Network Youtube

Una na nga sa listahan ay ang kaniyang “Vintage 1950’s Omega”, na ayon kay Sharon ay ito ang relo na regalo ng kaniyang Daddy Pablo sa kanyang Mommy Elaine.

Sumunod naman ang “Vintage 1970’s Corum”; na siyang binigay naman ni Daddy Pablo kay Sharon noong ito ay Grade 4 pa lamang.

Credit: Sharon Cuneta Network Youtube

Hindi naman mawawala ang iniregalo ni Sharon na relo sa kaniyang Mommy Elaine na isang “Ballon Bleu De Cartier”, na kung saan ay nabili nila sa Rodeo Drive, Beverly Hills na ang kaniyang Mommy Elaine mismo ang pumili.

Isa naman sa mga espesyal na relo na ipinakita ni Sharon ay ang “Vintage 1900’s Santos De Cartier”, na siyang kauna-unahang relo na kaniyang binili at makikitang isinuot din niya ito sa pelikula na kaniyang pinagbidahan kasama ang dating asawa na si Gabby Concepcion.



Credit: Sharon Cuneta Network Youtube

Pagdating naman sa mga usapang relo, hindi naman mawawala ang Rolex na kung saan ay bumili din si Sharon ng isang “1986 Rolex Datejust” na isa sa mga unang nabili nya na Rolex.

Credit: Sharon Cuneta Network Youtube

Ang huling relo naman na ipinakita ni Sharon ay ang “Piaget Polo”, na kung saan ay ginamit nya ito sa huling eksena nila ng kanyang ka-partner noon sa pelikulang ‘Madrasta’ na si Christopher De Leon.

Credit: Sharon Cuneta Network Youtube

Mula sa mga koleksyong relo ni Sharon ay kapansin-pansin naman ang pagkahilig nito sa White Gold at Platinum na kulay na isa umano sa mga paborito ng aktres.



Credit: Sharon Cuneta Network Youtube

Ang pagkahilig ni Sharon sa mga relo ay isa sa mga namana niya mula sa kaniyang Daddy Pablo habang nabubuhay pa lamang ito at siyang sumisimbolo rin sa bawat masasayang alaala, kasama ang mga taong naging espesyal sa kaniyang buhay simula noon hanggang sa kasalukuyan.

The post Sharon Cuneta, ipinasilip ang kanyang napakaraming koleksyon ng magagandang relo at ibinahagi rin ang kwento sa likod ng ilan sa mga ito appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments