Proud Online Seller Na Rin Ngayon Ang Sikat Na OPM Rapper Na Si Gloc-9

Sa pagkakaroon ng krisis, ay marami sa ating mga kababayan ang natutong dumiskarte sa buhay, lalo na at hindi lamang krisis sa pangkalusugan ngayon ang ating kinakaharap kundi maging krisis rin sa ating pangkabuhayan.



Dahil sa krisis na kinakaharap ng ating bansa, ay maraming negosyo at kabuhayan ang naapektuhan, at may ilang mga negosyo na nga ang nagsara kaya naman may ilang mga kababayan rin tayong nawalan ng kabuhayan
Photo Credit: #gloc9/Instagram
Marami man sa ating mga kababayan ang nawalan ng trabaho at kabuhayan, ay naging madiskarte naman ang mga ito, kung saan ay iba’t ibang mga paraan ang kanilang ginagawa upang kumita kahit pa nga ba sila’y nasa loob lamang ng kanilang tahanan.
Photo Credit: #gloc9/Instagram
Hindi nga lamang mga ordinaryong tao ang dumidiskarte ngayon, dahil maging ilang mga sikat na celebrities ay kanya-kanyang diskarte, upang sa kabila ng wala pa nilang masaydong proyekto ngayon ay mayroon sila na kikita ng pera, panggastos sa pangangailangan ng kanilang pamilya.
Photo Credit: #gloc9/Instagram
Isa na nga sa mga ito ay ang sikat na OPM rapper na si Gloc-9, na abala ngayon sa pag diskarte sa buhay sa pamamagitan ng pagtitinda online. Ilan nga sa mga itinitinda ni Gloc-9 at ng kanyang pamilya sa online ay mga basketball jersey, fried chicken, dinuguan, menudo, biko na kung saan ang kanilang online store ay tinawag nilang, Kusina ni Juvy.
Photo Credit: #gloc9/Instagram
Marami nga sa mga tagahanga ni Gloc-9 ang naninibago ngayon, ito ay dahil malayo nga naman ang linya ng pagnenegosyo sa propesyon nito bilang isang rapper.
Ngunit ayon kay Gloc -9, walang masama sa pagiging isang online seller, dahil ang trabahong ito ay marangal.
Photo Credit: #gloc9/Instagram
Sa isang post nga ni Gloc 9 noong July 9, sa kanyang Facebook account, ay ibinagi niya ang isang naging komento sa kanya ng isa isang tagahanga tungkol nga sa kanyang pagiging online seller ngayon.
Photo Credit: #gloc9/Instagram
“May nagtanong sakin ‘idol, bakit ka nagbebenta ng kung ano-ano? Hindi bagay sayo.”
“Sabi ko sa kanya, ‘Tol, wala namang masama siguro doon di ba? At alam mo ba na kasama sa trabaho ko noon bago ako mag-rap ay maglinis ng basurahan, kubeta at kanal?



Sa kabila naman ng komentong ito ng isang tagahanga ni Gloc 9, ay mas marami pa rin ang kanyang mga tagahanga na nagbigay suporta at paghanga sa kanya. At ang ilan pa nga sa mga ito, ay nagbigay ng komento ng pagsulat sa kanilang “idolo”, dahil sa kasipagan at pagiging madiskarte nito.
Samantala, maliban sa pagiging abala ni Gloc 9 sa kanyang online selling business, ay abala rin ito ngayong quarantine sa paghost ng writing at composition workshop sa Zoom. Ipino-promote rin ng OPM rapper ang kanyang clothing brand na Guitar Apparel 1960.


Source: Famous Trends

Post a Comment

0 Comments