Paggising natin sa umaga, agad nga naman nating hahanapin ang almusal. Masarap na pang almusal ay ang mga dried fishes o mga danggit na talagang ang sarap ipares sa sinangag.
Sino ba ang tatanggi sa mga ito? Maging ang couple na sina Nadine Samonte Chua at Ryan Chua ay talagang gustong gusto rin ito.
Kaya naman, ang kanilang paboritong mga dried fishes ay kanila ng ginawang negosyo. Ngayon, sila ay nagtitinda ng Danggit, sweet Pusit, Palad Flakes, Big dilis boneless at Small dilis.
“Yes we sell dried fishes na din. You know why? Nung nakatikim ako nito super sarap y? Actually matagal nko bumibili nyan and lagi kami mern dito sa house kasi fav din ni heather ang danggit and dilis.
Etong mga dried fishes na to are fresh from Masbate tapos unsalted lahat kaya masarap,” kwento ni Nadine.
Napakasarap nga naman talaga nito lalo na at galing pa ito ng Masbate. Kumpletong kumpleto ang almusal mo dito. Batch per batch ang pagbebenta nila Nadine. At ang nasa picture ay ang unang batch na sold out na din.
“We sell by batches etong mga andto ngyn lahat sold out na po. We will post next batch availability and prices. We have Danggit, sweet Pusit, Palad Flakes, Big dilis boneless and Small dilis lahat hindi maalat and fresh from Masbate pa tlga kaya malinamnam hehe. Hindi ako nahihiya na magbenta ng ganito kasi sa panahon ngyn kelngn natin maging madiskarte and hindi nakakahiya kasi masarap tga Ang sabi ng asawa ko the new D&D queen daw ako ng south hahaha meaning? Danggit and Dilis hahaha ,” pagpapatuloy ni Nadine.
Napakarami nga naman ng bumibili kina Nadine at Ryan. At mas lalo pa niyang darami ang kanilang mga customers kapag natikman na ang unang batch nito.
The post Nadine Samonte, masayang ipinasilip ang kanyang mga binibentang danggit at dilis na talagang paborito din nilang kainin appeared first on The Trending Planet.
Source: Trending Planet
0 Comments