Isang bagong Civil Engineering graduate, ginawang Japanese-Inspired Minimalist design ang kanyang kwarto

Likas sa ating mga Pinoy ang pagiging malikhain. Anumang bagay yan, magulo man o madumi. Kapag gustong ayusin o pagandahin, siguradong magagawan ito ng paraan sa galing ng gawang Pinoy.



Credit: Sonder Evennys Youtube

Gaya na lamang ng kwartong ito. Kung titignan ay tipikal na kwarto ito na may katamtamang laki at ang karaniwang disenyo nito. Ni renovate ito ng isang 22-anyos na Civil Engineering fresh grad na si Sonder Evennys Layugan Agusti sa Ilocos Norte.

Makikita sa social media ang pinost niyang before and after pictures. Mula sa simpleng kwarto, nagkaroon na ito ng pormadong istilo, mula sa kisame, pader at maging ang mga ilaw nito.

Credit: Sonder Evennys Youtube

Naisip daw niyang galawin ang kanyang kwarto mula nang mag-umpisa ang quarantine dahil sa pagkabagot niya. Mismong ipon niya noong June ang kanyang ginamit para makabili ng mga powertools at mga gamit gaya ng kahoy.

Credit: Sonder Evennys Youtube

Syempre, bukod dito ay naglaan din siya ng oras para sa pagplano at paggawa nito. Umabot ng 30 days sa loob ng 4 months ang construction nito.

Matapos ang ilang buwan na paghihintay, makikita na worth it lahat ng pera, pagod at paghihintay.



Credit: Sonder Evennys Youtube

Gaganahan ka nga namang magpahinga at mag relax sa ganda ng kwartong ito.

Kaya naman, manghang mangha din ang mga netizens sa kanilang nakitang bed room transformation na ito.

“congratulations for a job well done, your planning , prep and desires to meet your dream room is really compensated by your hardwork from ❤ new jersey USA”

Credit: Sonder Evennys Youtube



“I salute you Boy for being very creative man for your very very nice work yet your are still young.Not all can do this.You are very much responsible so tnx God For the Gifts.Good job.”

“Granted he/his family can afford this, he CHOSE to do it by himself and not hire people to do it for him. And for that alone, he is indeed admirable.”

The post Isang bagong Civil Engineering graduate, ginawang Japanese-Inspired Minimalist design ang kanyang kwarto appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments