Ang pagkakaroon ng mga pananim sa ating tahanan o bakuran, ay malaki nga naman ang naitutulong, hindi lang sa ating pang araw- araw na pangangailangan kundi maging sa pagpapaganda at pagbibigay buhay sa ating kalikasan.
Dahil sa pagkakaroon ng quarantine, dulot ng krisis na kinakaharap natin ngayon, ay marami sa ating mga kababayan ang nawalan ng hanap-buhay, dahil ilan sa mga maliliit na negosyo at mga kumpanya ang nagsara o di kaya naman ay nagbawas ng empleyado.
Ngunit dahil sadyang nasa dugo na nga ng mga Pinoy ang pagiging madiskarte, sa kabila ng krisis at kahirapan ng buhay, ay marami sa ating mga kababayan ang gumawa ng mga bagay na makabuluhan at maari nilang pagkakitaan o pagkuha ng pagkain araw-araw, at ito nga ay ang pagtatanim ng mga gulay, prutas o anumang halaman sa kanilang bakuran.
Hindi nga lamang mga simpleng mga mamamayan ngayon ang ginagawa ang ganitong diskarte sa buhay, dahil maging mga kilalang personalidad sa telebisyon ay naisip na rin ang magtanim sa kanilang bakuran upang maging makabuluhan ang pananatili sa tahanan.
Katulad na lamang nga ng isa sa mga kilala nating broadcast journalist, at ito’y walang iba kundi ang dating Umagang Kay Ganda host na si Ka Tunying.
Maliban nga sa pagiging isang broadcast journalist, ay libangan na rin ni Ka Tunying sa kanyang tahanan ang pagtatanim at dahil sa pinasok na rin ni Ka Tunying ang mundo ng vlogging ay ginagawa na niyang ibahagi si iba ang mga kaalaman niya sa mga halaman at tamang pangangalaga at pagpapalago nito.
Ang kanyang vlog ay tinawag niyang “Green minded: T ni Tunying”, kung saan ay itinatampok niya rito ang kanyang hilig sa pagtatanim.
Sa vlog ngang ito ni Ka Tunying, ay maraming aral tungkol sa halaman tayo na malalaman. Dahil dito ay ibinabahagi niya ang tamang pangangalaga sa mga pananim, mga bagay na kinakailangan ng isang taong nagsisimula pa lamang magtanim, tamang pagpitas ng prutas o bunga ng halaman at marami pang ngang iba.
Makikita naman sa vlog na ito ni Ka Tunying na sa loob ng kanyang bakuran ay marami na siyang pananim na talaga namang malalago at namumunga na, tulad na lamang ng iba’t ibang mga prutas at gulay kagaya ng papaya, talong, kamias, malunggay at marami pang iba.
Maging ang dapat gawin sa mga matatandang puno na mga halaman, tulad ng matandang puno ng talong ay ibinahagi rin ni Ka Tunying sa kanyang vlog.
Video Credit: anthony taberna/YouTube
https://www.youtube.com/watch?v=WV9LIEyFPS0&feature=emb_logo
Ang vlog nga na ito ni Ka Tonying, ay kapupulutan ng maraming mga aral lalo na sa mga nagnanais na magkaroon ng hardin sa kanilang bakuran, dahil lahat ng kaalaman ni Ka Tunying pagdating sa mga halaman at sa pagpapalago nito ay kanyang ibinabahagi rito.
Source: Famous Trends
0 Comments