Natatandaan nyo pa ba ang “Meteor Garden”? ang phenomenal series na unang inilabas ng bansang Taiwan noong taong 2001, kung saan ay pinagbibidahan ito ng grupong F4?
Matatandaan na ang grupong F4 ay binubuo ng mga Taiwanese stars na sina Jerry Yan, Vic Zhou, Vanness Wu at Ken Chu. Maliban sa grupo, ay kasama rin nilang bumida sa “Meteor Garden” ang isa sa magandang actress ng Taiwan na si Barbie Zhui.
Marami nga sa mga Pinoy ang talagang na-hook sa pinaka-orihinal na Meteor Garden series noon, dahil talaga namang kakaibang kilig ang ipinaparamdam nila sa mga netizens. Maituturing rin na isa ito sa pinaka hindi malilimutang tv program ng Taiwan na inilabas sa Pilipinas .
Dahil nga sa talaga namang marami ang nagmahal at kinilig sa seryeng Meteor Garden, ay marami na ang mga nag-remake nito mula sa iba’t ibang mga bansa. Ngunit sadyang wala pa rin ang makakapantay sa orihinal na version nito, na masasabi natin na “number 1” pa rin para sa marami.
Hindi nga lamang si Shan Cai at ang F4 ang talagang tumatak sa mga manonood noon, dahil maging ang ilan sa mga supporting actress at actor na kabilang sa serye ay talaga namang hindi rin basta-basta nakalimutan.
Katulad na lamang ng karakter ng Taiwanese actress na si Rainie Yang, na siyang gumanap sa karakter ni Xiao Yu, ang simple ngunit napaka-charming na BFF ni Shan Cai sa Meteor Garden. Sa kanyang karakter, na pagiging isang mabuting BFF, na laging nag suporta kay Shan Cai, ay marami sa mga manonood at netizens ang talagang naka-relate.
Kung atin ding babalikan ang karakter ni Rainie Yang dati, ay palatandaan na naging love interest si Xiao Yu ni Ken Chu sa serye.
Samantala, ilang taon na rin ng naging popular ang unang bersyon ng Meteor Garden, kaya naman marami ang nagtatanong kung ano na ang nangyari kay Xiao Yu? At kamusta na nga ba ito ngayon?
Ayon sa ilang mga ulat tungkol sa buhay ngayon ni Xiao Yu o Rainie Yang sa tunay na buhay, nagpatuloy ang pamamayagpag ng karera ng Taiwanese star matapos niyang mapabilang sa hit series noon na Meteor Garden.
Maliban nga sa pagiging isang actress, ay naging kilala rin si Rainie bilang isang singer at host, kung saan ay nakapag-release na umano siya ng ilang mga album.
“I have nine albums so far and the first thing that I think about is the hairstyle I’m having for it.”
Tila nga ang hit series na Meteor Garden ang naging daan ni Rainie Yang, upang mas makilala at maging popular pa sa showbiz industry sa kanilang bansa. Dahil hindi man siya naging isa sa mga bida ng “Meteor Garden”, ay dito naman siya mas nakilala pa ng tao, at mas nakita ng mga ito ang kanyang angking talento sa pag-arte.
Matapos nga ang seryeng “Meteor Garden”, ay mas maraming malalaking oportunidad ang nagbukas kay Rainie Yang, kaya naman talagang ngayon ay masasabi natin na maayos at patuloy na namamayagpag ang kanyang karera.
Makikita rin natin sa kanyang mga larawan ngayon, ang ilang mga pagbabago sa kanyang awra, kung saan ay tila mas lalo itong gumanda. Sa ngayon, dahil sa kanyang ipinakikitang talento at pagkakaroon pa lalo ng magandang awra, ay mayroon na rin umanong ilang mga serye siyang pinagbibidahan.
Marami naman sa mga naging tagasubaybay ng Meteor Garden noon, ang natuwa sa kung anong magandang buhay at karera mayroon ngayon si Rainie Yang At mas humanga pa nga sila sa dalaga, dahil sa naging transformation nito, kung saan nga mas lalo pang lumitaw ang taglay niyang ganda.
Source: Famous Trends
0 Comments