Ang pagkakaroon ng presko at sariwang hangin ay hindi lamang mahalaga para sa ating kalusugan kundi nakatutulong din para sa ating pamumuhay.
Ganyan inilarawan ng isang celebrity mom na si Solenn Heussaff ang kahalagahan ng pagkakaroon ng ‘good air quality’ kahit nasa loob lamang ng iyong tahanan.
Upang ma-achieve ang presko at sariwang hangin ayon kay Solenn ay kinakailangan nito ang good ventilation, modified air purifier, natural furnitures, o di naman kaya ay ang pagkakaroon ng tanim na halaman na syang mainam at tiyak na makapagbibigay ng sariwang hangin sa iyong tahanan.
Kaya naman hindi nagdalawang isip ang aktres, na ipasilip ang kanyang mga tanim na indoor plants at magbahagi ng mga ilang tips sa tamang pag-aalaga sa mga ito.
Ang pagkakaroon ng indoor plants ni Solenn ay aminadong hindi naging madali para sa kanya ang pag-aalaga nito, dahil kinailangan nyang humanap ng mga halaman na hindi toxic para sa kanyang mga alagang pet sa bahay.
Una na nga dito ay ang Palm Tree na unang indoor plant na ipinakita ni Solenn na kanyang inaalagaan for almost 2 and a half years.
Kung ang hanap mo ay ang best indoor plant sa iyong tahanan, ang palm tree plants ang isa sa mga the best indoor plant para kay Solenn dahil bukod sa madaling alagaan ay nagbibigay din ito ng oxygen na nagsisilbing good air purifier para sa aktres.
Una sa mga binigay na tips ni Solenn sa pag-aalaga ng indoor plants, ay mahalagang i-pwesto ang mga ito sa lugar na nasisinagan ng araw.
Pangalawa, ang pagkakaroon ng drooping leaves sa mga indoor plants ay senyales ng kakulangan nito sa tubig at ang falling leaves naman ay ang pagkakaroon ng sobrang dami ng tubig na nailalagay sa halaman.
Kung ikaw ay isang indoor plant lover ay tiyak na marami kang malalaman at matututunan sa video na in-upload ni Solenn sa kanyang Socmed channel, kung paano ang tamang pag-aalaga sa mga ito at mga dapat at hindi dapat gawin upang lumago ang iyong mga tanim na syang nagbibigay ng sariwa at preskong hangin sa iyong tahanan.
The post Solenn Heussaff, ipinakita ang kanyang mga tanim na halaman sa loob na kanilang bahay na nakakapagbigay sa kanila ng sariwang hangin appeared first on The Trending Planet.
Source: Trending Planet
0 Comments