Taong 1980’s hanggang 1990’s ng nakilala at naging popular sa showbiz ang batikang aktor na si Jestoni Alarcon o sa tunay na buhay ay mas kilala ng kanyang pamilya bilang si Anthony Jesus Alarcon.
Sa mga taong din iyon ay itinuturing si Jestoni, bilang isa sa mga matinee idol sa showbiz, dahil sa taglay nitong kagwapuhan at kakisigan.
Ilan sa mga hindi malilimutang pelikula at serye na ginawa ni Jestoni ay ang “Ang Lihim ng Golden Buddha” taong 1989, “Makapiling Kang Muli” taong 2012, at ang “Encantadia” na ipinalabas naman noong taong 2016.
Samantala, naging paminsan-minsan na lamang ang naging paglabas ni Jestoni sa telebisyon sa paglipas ng mga taon, dahil noong taong 2000 ay pinasok ng aktor ang pulitika, kung saan sa ngayon ay wala siya sa pagganap ng kanyang tungkulin bilang board member ng unang distrito ng Rizal.
Matatandaan na naging konsehal rin si Jestoni ng siyudad ng Antipolo, at naging bise gobernador rin siya ng Probinsya ng Rizal bago siya naging board member ng unang distrito ng Rizal.
Ang naging asawa naman ng batikang aktor ay isang dating modelo at beauty queen protégé sa Los Angeles, California at ito nga ay si Lizette Capili.
Nasa 26-taon na nga ang masayang pagsasama ng mag-asawang Jestoni at Lizette, kung saan sila ay nabiyayaan ng tatlong anak, na sina Jessica, Angela at Anthony.
Makikita naman sa social media ng pamilya ni Jestoni, kung gaano kasaya ang kanilang pagsasama bilang isang pamilya at kung gaano sila kalapit ng kanyang asawa sa kanilang mga anak. Sa kabila rin ng pagiging anak ng artista at pulitiko, ay mapapansin ang pagiging simple at pribado ng mga anak ng batikang aktor.
Kung pagmamasdan naman ang mga mukha ng tatlong anak ni Jestoni, ay talaga namang hindi maikukubli na ang mga ito ay nagmula sa magaganda at gwapong lahi, dahil taglay at namana nito sa kanilang mga magulang ang pagiging maganda at gwapo.
Sa kabila naman ng pagiging pribado ng mga anak ni Jestoni, ay hindi pa rin maiaalis na mayroong mga netizens ang humanga sa mga ito dahil sa pagiging simple at mabuting tao ng mga ito.
Source: Famous Trends
0 Comments