Silipin Ang Malawak Na Agri-Tourism Farm Ng Sikat Na Si Chef Boy Logro

Si Chef Boy Logro, ay isa sa mga mahusay at iniidolong chef sa kusina. Unang nasilayan ang kanilang husay sa pagluluto sa cooking show na Chef Boy Logro: Kusina Master. Naging host rin si Chef Boy Logro sa isa pang cooking show ng GMA, at ito nga ay ang “Idol sa Kusina”.



Ang kanyang sikat na kataga ay ang “Yum Yum Yum”, dahil talaga namang mapapasambit ka umano nito kapag natikman mo ang masarap na luto niya.
Image Credit via Google
Maliban naman sa pagluluto, at paghohost ng mga programa, ay abala rin si Chef Boy Logro sa pagtatanim sa kanyang malawak na agri-tourism farm na matatagpuan sa Davao De Oro.
Image Credit via Google
Kamakailan nga lamang, ng ipasilip ni Chef Boy Logro sa publiko ang kanyang malawak na farm. Kung saan ay pinakita niya rin, ang iba’t ibang mga bagay at pananim na makikita rito.
Image Credit via Google
Ayon nga kay Chef Boy Logro, masaya siya sa pagkakaroon niya ng agri-farm, dahil ngayon na mayroong pandemia at hindi naman basta-basta makalabas ng tahanan ay isa ito sa kanyang pinag lilibanagan, upang hindi makaramdam ng bagot o pagka-inip sa loob ng tahanan.
Image Credit via Google
“Ang buhay ko dito sa Davao De Oro ay napakaganda po. Nag-enjoy ako, dahil po ang dami ko pong nagawa. ‘Yung aking school, then ‘ang aking farm.”
Image Credit via Google
Kwento pa ni Chef Boy Logro, sa panahon ng pandemia, ay malaking tulong para sa kanyang pamilya ang kanyang agri-farm. Dahil sa dami ng mga pananim na kanyang naitanim rito, ay halos dito na niya lahat kinuha ang mga ginagamit niya sa pagluluto ng makakain para sa kanyang pamilya.
Image Credit via Google
Maihahalintulad nga ni Chef Boy Logro sa awiting “Bahay Kubo” ang kanyang agri-farm, dahil halos lahat ata ng gulay na mababanggit sa nasabing awit ay mayroon siya.



“Ang aking tanim dito ay sari-sari, kumbaga Bahay Kubo. Mayroon akong kalabasa, may mais, may saging, at mayroon akong ube.” Samantala, hindi lamang nga ito ang mga tanim ni Chef. Dahil ayon sa kanya, ay mayroon rin siyang tanim na Adlai, o isang kahalintulad ng palay at ito umano ay kilala rin bilang healthier alternative sa kanin.
Image Credit via Google
“Yung adlai po, ay parang palay. Per kilo nya po isa PHP350 ‘pag pala.”
Hindi nga lamang ang mga pananim ni Chef Boy Logro ang kahanga-hanga at nagbibigay ganda sa kanyang agri-tourism farm. Dahil maliban sa mga pananim niya, ay mayroon ring makikitang fish pond at swimming pool rito.
Image Credit via Google


Source: Famous Trends

Post a Comment

0 Comments