Isa sa mga hinahangaan bilang isang magaling at mahusay na broadcast journalist at tv host ng GMA-7 network na si Rhea Santos na napapanood noon sa morning news show na ‘Unang Hirit’.
Nagsimulang pasukin ni Rhea ang kanyang trabaho nang maging bahagi sya ng GMA bilang isang working producer at maging host ng mga mga kilalang shows noon tulad ng Frontpage, Pinoy Abroad, News on Q at At Your Service – Star Power.
Tumagal ng 19-taon ang paninilbihan ni Rhea bilang isang tapat na journalist at host sa mga manunuod, kaya naman naging malaking desisyon sa kanya ang lisanin ang kanyang trabaho at makasama ang kanyang pamilya sa kanilang pagma-migrate sa Canada.
Agosto nung nakaraang taon ay nagsimulang mamuhay ng simple at tahimik si Rhea sa Vancouver, Canada kasama ang kanyang asawa at mga anak.
Ibinahagi naman ni Rhea na hindi naging madali para sa kanya ang naging buhay sa ibang bansa, ngunit hindi rin naman ito naging hadlang para sa kanya na maging positibo at harapin ang buhay na naghihintay para sa kanya.
“Change is never easy but my positive disposition in life helped me go through change.”
“Finding my way, connecting to people of different nationalities, doing things on my own have all made me discover new things about myself. I may be out of the limelight but I appreciate fellow Filipinos here and back home still connecting with me.”
Sa kabila ng kanyang naging adjustment sa paninirahan doon ay masaya naman nyang ini-enjoy ngayon ang mga oras na kasama nya ang kanyang pamilya.
Kamakailan lang ay masayang ibinahagi ni Rhea ang biking moments nya na isa sa mga naging libangan nya ngayon doon.
“Bike rides give me time to think and keep me calm as I embrace new beginnings One year since the leap today and writing another chapter tomorrow. #bikeride #nature #vancouver#morning #yourmorninggirl”
Kasalukuyan namang mapapanuod ngayon si Rhea sa kanyang sa kanyang YouTube channel na ‘Your Morning Girl Rhea’ at masilayan ang mga pagbabagong naganap sa buhay nya ngayon.
The post Rhea Santos, ipinasilip ang kanyang masayang buhay sa ibang bansa matapos ang isang taong paninirahan doon appeared first on The Trending Planet.
Source: Trending Planet
0 Comments