Netizens Hinangaan Ang Aktor Na Si Edu Manzano Dahil Sa Pamamahagi Ng Mga Computer Set

Batid nating lahat na ang pagkakaroon ng edukasyon ay isa sa yaman na makakamit natin sa ating mga buhay. Kaya naman talagang marami sa atin ang sa kabila ng hirap ng buhay ay buong tapang na iginagalang ng kani-kanilang mga magulang ang kanilang pag-aaral.



Ngunit hindi nga naman lahat ay may kakayahan na magkaroon ng maayos na edukasyon, at mas pinasarap pa ang sitwasyon ngayon sa ating new normal dahil sa pagkakaroon ng pandemic saan mang panig ng mundo.
Photo Credit: realedumanzano/Instagram
Sa ating new normal ngayon ay napagkasunduan ng mga opisyales ng ating bansa na upang maingatan ang mga mag-aaral sa kumakalat na virus ay gawin na lamang sa tahanan ang pag-aaral, kung saan ay gawin itong online class na kung saan ay nangangailangan ng gadgets at internet ang bawat estudyante sa kanilang tahanan.
Photo Credit: realedumanzano/Instagram
Samantala alam naman natin na sa hirap ng buhay ngayon ay hindi lahat ng mga magulang ay may kakayahan na ibili ng gadgets ang kanilang mga anak upang magamit sa pag-aaral.
Photo Credit: realedumanzano/Instagram
Kaya naman ilang mga kilalang artista at mayaman na tao na rin ang nagbigay ng mga bagay na makakatulong sa mga mahihirap na mag-aaral at isa na nga rito ay ang dating aktor na Edu Manzano.
Photo Credit: realedumanzano/Instagram
Masayang ibinahagi ng dating aktor na si Edu Manzano sa kanyang Instagram account na sila ay mayroong ginagawang Computer Donation Drive.
Photo Credit: realedumanzano/Instagram
“First batch of 10 computers for the less-fortunate children of Tahanan ng Panginoon. With online/e-learning inevitable children needs computers to continue their education and be able to contribute positively to society.
Thanks to those who have shared their blessings. More to follow,” saad nga ni Edu Manzano. Nilinaw rin ni Edu na ang mga computers na kanilang ipinamahagi ay mapupunta sa mga paaralan na nangangailangan nito, upang mas marami pang mga estudyante ang makagamit nito.



“FYI, computers sets will go to schools and different organization s para mas marami ang makinabang.” Nagpasalamat rin ang dating aktor sa mga taong naging bahagi sa kanilang pagtulong na makapagbigay ng mga computer sets na ito sa mga paaralan at organisasyon.
Dahil sa ginawang ito ni Edu ay marami ang mga netizens ang humanga sa kanya, dahil sa malaking tulong nga naman ang mga computer sets na ito sa pag-aaral ng mga estudyanteng walang kakayahan na bumili ng gadgets sa kanilang tahanan.


Source: Famous Trends

Post a Comment

0 Comments