Ang young star na si Lyca Gairanod ay muling nasilayan ng publiko, matapos makamit ang karangalan bilang first-ever grand winner ng ‘The Voice Kids’ noong 2014.
Sa kabila ng mga nakamit na tagumpay ni Lyca, hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang naging simpleng pamumuhay ni Lyca noon bago nito makamit ang kasikatan na tinatamasa ngayon.
Kaya naman upang mabalikan ang naging simpleng pamumuhay ni Lyca, ibinahagi nito sa kanyang Socmed channel ang kanyang kinalakihang bahay na matatagpuan sa Tanza, Cavite.
Sa pagbabahagi ng kanilang munting tahanan, hindi nalimutan ni Lyca na muling balikan ang kanyang mga pinagdaanan noon habang nakatira pa sila ng kaniyang pamilya dito.
“Marami akong pinagdaanan dati. Alam niyo naman. Nakita niyo naman yung istorya ko. Nag-MMK ako dati. Mula nung nag-The Voice ako guys, marami akong paghihirap na naranasan sa buhay ko,”
Nakapagpatayo man ng tirahan ngayon si Lyca para sa kaniyang pamilya, magsisilbi pa ding magandang ala-ala na hindi kailanman makakalimutan ang mga nabuong pangarap kasama ang kanyang pamilya.
“Ayokong mawala siya kasi sobrang mahal na mahal ko ‘tong bahay na ‘to and hindi ko siya kayang pabayaan. Kaya kung kaya niya pa tumayo nang ganito, magii-stay siya, magii-stay talaga,”
Matapos maibagi ni Lyca ang itsura ng kanilang munting tahanan, hindi naman niya napigilan maging emosyonal sa naging mensahe ng kanyang lola para sa kanya.
“Si Lyca noon mahirap. Ako ang nagpalaki dito, pero malaki na siya ngayon, itong apo ko nga, iyon ang nagpaunlad sa amin dito,”
“Sabi ko lang sa inyo, itong bahay na ibinigay niya sa akin, dito ako m@mam@tay. Dito ako. Hindi ako aalis dito maski sino pa ang magpapaalis.”
Ang labis na pagmamahal ni Lyca sa kanyang Lola ay hindi mapapantayan, kahit na mas pinili nitong manirahan sa kanilang naging bahay noon, mananatili pa ding nakaalalay si Lyca sa kaniyang lola hanggang sa kanyang pagtanda.
“Kaya mahal na mahal ko ‘tong lola kong ‘to. Hindi ko ‘to pababayaan hanggang paglaki ko. Kaya nga sabi ko sa kanya eh, hanggang paglaki ko lola, nandito pa rin ako para sa’yo,”
Pinatunayan ni Lyca na sa kabila man ng nakamit nyang tagumpay ngayon, mananatili pa din ang mga magagandang ala-ala na kinagisnan niya kasama ang kaniyang pamilya.
The post Lyca Gairanod, naiyak nang balikan ang kanilang bahay noon at naging emosyosnal dahil sa sinabi ng kanyang lola appeared first on The Trending Planet.
Source: Trending Planet
0 Comments