Sa pagkakaroon ng krisis, ay marami na tayong narinig na kwento ng pagtutulungan, lalo na ang kwento ng kabayanihan ng ating mga frontliners.
Masasabi nga naman natin na sa ganitong panahon at sitwasyon ng ating bansa, ay kinakailangan talaga ang pagkakaisa at pagtutulungan upang sabay sabay nating malagpasan ay krisis na hatid ng krisis sa atin.
Ilan nga sa ating mga kilalang artista, ang nagpa-abot ng kanilang mga tulong para sa ating mga kababayan lalo na sa ating mga frontliners na halos 24-Oras na nagtatrabaho at ginagawa ang kanilang mga tungkulin.
Isa na nga sa mga ito ay ang komedyanteng si Pokwang, na talaga namang ibinigay ang kanyang effort, para igawa ng makakain ang ating mga frontliners, tulad ng mga kapulisan, doktor, nurse at mga sundalo.
Sa kanyang Instagram account, ay ibinahagi ni Pokwang ang ilang mga larawan niya, kung saan ay makikitang abala siya sa kanyang ginawang mga sandwiches, na ipinamahagi niya sa mga frontliners.
Kalakip din ng mga larawan na kanyang ibinahagi ay ang caption ng pagiging isang positibo sa kabila ng kinakaharap natin ngayon dahil sa krisis. Ayon sa komedyante, sa panahon ngayon, mas lalong hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa at lalo pang kumapit sa Diyos, dahil darating din ang isang umaga, na gigising tayong lahat na tapos na ang pandemic na ito at balik normal na ang lahat.
Pina-alalahanan rin ni Pokwang ang lahat, na patuloy na manatili muna sa kanya-kanyang tahanan ang bawat isa, at sumunod sa protocol na ipinapatupad ng gobyerno, dahil para umano ito sa ikakabuti ng lahat, at ng ating bansa.
Isa nga namang halimbawa si Pokwang sa marami, na imbis na mag turuan o magsisishan sa kung ano mang problema ang kinakaharap ngayon ng ating bansa dahil sa krisis, bakit hindi na lamang magtulungan at magkaisa para mas mabilis ang pagsugpo sa krisis
Sa ngayon.
View this post on Instagram
sa mundong puno ng takot at pangamba, ngiti nila ang nais kong makita at mahawa hindi ang CORONA
Ay ilan pa rin ngang mga lugar sa ating bansa ang nasa-ilalim sa community quarantine. At ayon sa balita, ay patuloy pa rin ang pagdami ng mga kaso ng tinamaan ng virus sa Pilipinas.
Source: Famous Trends
0 Comments