Kilalanin Ang Sikat Na Singer Comedian Na Rumaraket Sa Pagtitinda Ng Mga Kakanin At Palitaw

Dahil sa pagkakaroon ng pandemic ay marami sa ating mga kilalang artista ang naghanap ng kanilang bagong mapagkakakitaan, ito ay dahil sa malaki ang naging epekto ng pandemic Covid-19 sa kanilang mga trabaho sa showbiz.



Isa na rito si Gladys Guevarra, na ipinagmamalaki ang kanyang bagong pinagkakakitaan ngayon, matapos magsara ang comedy bar na kanyang pinagkukunan rin ng ikinabubuhay. Dahil nga sa pandemic ay pansamantalang hindi nag-operate ngayon ang mga comedy bar, kaya naman ilan sa mga ito ay nagsara na.
Image Credit via Google
Si Gladys Guevarra ay isa sa mga comedian-singer sa Zirkoh at Klownz comedy bar, na nagsara ng lam ang nakaraang buwan. At dahil sa pangyayaring ito ay naisipan ni Gladys na maghanap ng panibagong mapagkakakitaan, hanggang sa nagdesisyon siya na magtinda ng mga kakanin, tulad ng palitaw, yema, puto cheese at salted eggs.
Image Credit via Google
Ayon sa comedian-singer, siya mismo ang gumagawa at nagluluto ng kanyang mga paninda, kaya naman talagang malaking kasiyahan sa kanya ang malaman na talagang nasasarapan ang mga bumibili ng kanyang tindang pagkain.
Image Credit via Google
Ngunit hindi nga talaga maiiwasan na may mga taong sadyang magbibigay ng mga negatibong komento. Hindi nga nakaligtas si Gladys sa mga komento ng ibang tao sa kanyang bagong pinagkakakitaan.
Image Credit via Google
Sa kanyang social media account, ay ibinahagi ni Gladys ang kanyang naging encounter sa isang babae sa may talipapa, kung saan ay hindi ito makapaniwala na siya ay nagtitinda ng palitaw.
Image Credit via Google
“Ha?! Eh di ba artista ka? Bakit ka nagtitinda ng palitaw? Ang sabi umano sa kanya ng babae. “Weh ano naman ngayon ate, naisip mo pa yun? Ang requirements bas a pagtitinda, kailangan hindi ka artista?”,ang naging kasagutan naman ni Gladys.
Image Credit via Google
Ayon pa nga kay Gladys marami pa siyang mga nais itinda sa palengke o kahit sa online man, na kung tutuusin ay wala namang problema dun.
Image Credit via Google
Nilinaw din ni Gladys na noon pa man hindi pa nauuso ang Covid-19 ay plano na niya talaga ang magnegosyo, at unang pumasok sa isip niya noon ay ang pagtitinda ng barbecue sa harap ng bahay ko. Hindi nga lamang umano ito pwede, dahil ang kanyang mga kapitbahay ay puro mayayaman, tulad ng congressman, senators at mayors.
Para naman sa iba, ay isang mabuting ehemplo si Gladys para sa kanyang mga kapwa artista, lalo na sa kanyang mga kapwa entertainer na naapektuhan rin ang pamumuhay ng pandemic.



Ayon pa nga sa comedian-singer, hindi kailangan mawala ng pag-asa, kailangan lamang makaisip tayo ng paraan upang magkaroon pa rin tayo ng ikinabubuhay sa kabila ng pagsubok na ating kinakaharap.
Hindi nga naman ibig sabihin na isa kang sikat o artista ay hindi ka na pwedeng magnegosyo ng naaayon sa gusto mo o hilig mo.


Source: Famous Trends

Post a Comment

0 Comments