Natatandaan mo pa ang singer na si Carol Banawa? Siya ay sumikat sa industriya ng showbiz noong taong 1990’s. Isa siya sa mga masasabi nating singer na may pinakamagandang boses sa industriya.
Ilan nga sa mga hindi malilimutang awiting pinasikat ni Carol Banawa ay ang awiting “Iingatan ka”, “Tanging Yaman”, at “Bakit Di Totohanin”, kung saan ay magpa hanggang ngayon ay patuloy pa rin nating naririnig ang mga awiting ito.
Sa kabila ng kanyang namamayagpag na kasikatan bilang isang mang-aawit ay nagdesisyon si Carol Banawa na talikuran ang mundo ng showbiz, ito ay matapos niyang ikasal sa kanyang asawang si Ryan Crisostomo.
Taong 2003 ng tuluyang lisanin ni Carol Banawa ang showbiz, ito ay ng mag-migrate siya, ang kanyang asawa at kanilang dalawang anak sa Amerika upang doon ay magsimula ng mas pribadong buhay na malayo sa kinang ng mga camera.
Sa paglipas ng taon na hindi na nga natin nasilayan sa telebisyon ang singer, kaya marami nga ang nagtatanong kung ano na ang buhay nito ngayon.
At ngayon nga pagkalipas ng ilang taon, ay muli na naman natin hinahangaan si Carol Banawa, hindi bilang isang mang-aawit na may magandang tinig kundi bilang isang matapang na frontliners na sumusulong sa pakikibaka sa pandemic Covid-19.
Si Carol Banawa ay nakapagtapos bilang Summa Cum Laude sa Northern Virginia Community College sa Washington DC noong 2018, at nabatid natin kung ano ang kanyang propesyon ngayon ng magbahagi siya ng kanyang larawan sa social media suot ang kanilang uniporme.
Makikita nga sa larawan ni Carol Banawa, na siya ay nakasuot ng scrub suite na kulay maroon, kung saan ay mayroon din siyang suot na facemask at faceshield dahil sa ngayon ay isa na palang nurse sa Amerika ang dating sikat na singer at isa nga sa mga tumatayong fornliners ngayon.
Hindi nga lamang natin makikilala ngayon si Carol Banawa bilang isang dating singer na mayroong napakagandang tinig, kundi isang bayani na rin siya ngayon dahil sa pagiging isa niyang frontliner nurse sa Amerika na patuloy na nagbibigay ng kanilang serbisyo sa kabila ng pagkakaroon ng pandemic Covid-19.
Source: Famous Trends
0 Comments