Eric Fructuoso, piniling mamasada ng tricycle ngayong panahon ng pandemya para ipandagdag sa kita nya para sa pamilya

Ang aktor na si Eric Fructuoso ay nakilala ng karamihan ng siya ay maging bahagi ng 1990’s teen boy group na “Gwapings” na kung saan ay nakasama niya ang mga sikat din na artista tulad nina Jomari Yllana, Mark Anthony Fernandez at Jao Mapa.

Hinangaan naman ng publiko ang kanyang kahusayan sa pag-arte, nang siya ay unang maging bahagi ng teleserye noong 2005, ‘Ang Panday’ at nasundan pa nga ito ng ilang mga pelikula.



Credit: @eric.fructuoso instagram

Sa kabila ng kanyang showbiz career ay hindi naman nakalimutan ni Eric na gampanan ang kanyang pagiging isang mabuting ama sa kanyang mga anak.

Ayon kay Eric ay mahalaga para sa kanya na mapangalagaan ang apelyidong ibinigay nya sa kanyang mga anak dahil gusto niyang mapabuti ang mga ito mula sa mga nakamit nyang pagkilala noon bilang isang Fructuoso.

 

View this post on Instagram

 

Kumpleto para sa pamilya! Salamuch @kurucool 👌🙏❤

A post shared by @ eric.fructuoso on


“Para sa akin ang pinakamaganda sigurong naibigay ko na sa kanila ay ‘yung apelyido ko. ‘Yung apelyidong suwerte tayo at kilala. So ang pinakasinasakripisyo ko talaga na no matter what na natatanggap mo, hindi ka lalaban. Magiging maayos ka lang sa lahat ng tao, magiging mababait ka para balang araw sila ang aani noon. Kaya ‘yung apelyido ko ngayon ay pinaghuhusayan ko na maging maayos sa lahat ng tao para one day mapakinabangan nila ng tama ‘yon.”

Credit: @eric.fructuoso instagram

Naging usap-usapan naman ngayon sa social media, ang larawan na pinost ng aktor sa kanyang Instagram account kanina na kung saan ay makikitang nagmamaneho ito ng traysikel.




“Times like these hindi pwedeng kaartehan ang paiiralin! Basta ligal na pagkakakitaan para sa mga anak, tirahin lang ng tirahin.”

Credit: @eric.fructuoso instagram

Ipinagtanggol naman ni Eric ang mga tricycle drivers mula sa mga negatibong kumento na natanggap nila noon dahil sa napiling trabaho.

“Huwag niyo po ismall-in ang mga tricycle drivers. May kumpare akong trike driver sa BF Homes at nung nag garage sale ako dati e yung mga kasamahan niyang trike drivers na tropa ang bumile ng mga Ralph Lauren at Ferragamo ko.




Kaya nga “barya lang sa umaga” dahil buo buo pera nila”

Sa kabila nito ay marami pa din ang namangha at na-inspire sa naging post ni Eric, na kanyang pinatunayan ang pagiging isang tricycle driver ay isang marangal na trabaho.

The post Eric Fructuoso, piniling mamasada ng tricycle ngayong panahon ng pandemya para ipandagdag sa kita nya para sa pamilya appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments