Muling hinangaan ng publiko ang singer at song-writer na si Chito Miranda, hindi lamang sa pagiging isang mabuting padre de pamilya kundi isa ring ‘supportive husband’ sa kanyang asawa na si Neri Naig.
“Another thing I did was to “invest” in my wife…not necessarily financially, but more of yung time and support she needed for her to succeed on her own.”
Marami ang humanga mula sa naging desisyon at diskarte ni Chito, na panatilihing financially stable sa kabila ng pandemyang kinakaharap ngayon ng bansa.
Ibinahagi ni Chito ang kanyang mga natutunan mula sa tamang paggamit at paggastos ng pera na syang magsilbing magandang investment para dito.
“Save what you earn and spend what is left, instead of saving what is left after spending what you earn.”
“the 2nd was not to put all my eggs in one basket.”
“Dati, whenever I was asked to invest sa isang negosyo, I’d say no because wala akong time para tutukan yung business, because I felt that I needed to focus all my energy sa Parokya since it was my primary source of income, and ang plano ko lang was tumugtog at mag-ipon. Then someone told me to diversify my investments and sources of income…para kung may mawalang isa, may iba akong mapagkukunan ng pera.”
Malaking bagay naman para kay Chito na malaman ang tamang pag-handle ng pera lalo na ngayong may pinagdadaanang kr!sis ang bansa.
“Nung nag-lockdown, biglang tumigil lahat ng gigs.Kung umasa lang ako sa pagbabanda, wala sana akong ibang mapagkukunan to provide for my family aside sa ipon na sobrang bilis ma-ubos kung hindi nare-replenish.”
Sa kabila nito ay hindi naman maitatago ang pagiging proud ni Chito kay Neri na syang naging kaagapay niya mula sa investment na kanilang natutunan dalawa.
“I’m proud to say na ako pa rin ang provider…pero mas proud ako kay Neri dahil sobrang laking tulong nya sa amin because of her online businesses.”
“Sya yung nagtuloy sa mga natigil kong mga plano…tulad ng lupa na ‘to na balak ko bilin pero na-udlot dahil sa COVID. Binili nya para sa akin.”
Pinatunayan ni Chito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng investment, na syang nagsilbing inspirasyon naman para sa karamihan upang maging wais sa bawat desisyon na kanilang gagawin para sa pamilya.
The post Chito Miranda, napatunayan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng investment at pagiging supportive sa asawa lalo na ngayong panahon ng pandemya appeared first on The Trending Planet.
Source: Trending Planet
0 Comments