Kapag usapang noon time show, siguradong alam na alam ng mga tao ang longest running noon time show sa bansa na “Eat Bulaga”. 41 years na itong umeere at tila nakapaglipat lipat na ng network pero matibay pa din ang Eat Bulaga.
Kaya naman, ngayon ay masaya nilang ginugunita ang kanilang apatnapu at isang dekada ng pagpapasaya at pagiging bahagi ng pamilyang Pilipino.
Bilang pakikibahagi sa selebrasyon na ito, narito ang handog ni Baby Tali, ang anak ni Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna. Makikita sa IG na pinost ni Paulene ang cute na cute na video ni Baby Tali.
“Isang libo’t isang tuwa, buong bansa, Eat Bulaga,” iyan ang iconic theme song ng noon time show na Eat Bulaga. Kaya naman, ito ang awitin na inialay ni Baby Tali para sa mga Dabarkads.
Siyempre, malaking bagay itong video na ito lalo na kay Bossing na isa sa mga nagpasimula ng Eat Bulaga. Mukhang magiging magaling na singer paglaki si baby Tali at future dabarkads na ito.
Samantala, nagbalik tanaw naman si Pauleen sa kanyang pagpasok noon sa Eat Bulaga. Binalikan niya ang mga magagandang ala-ala na kanyang humble beginnings sa show.
“Honed some talents because of their support. In this show, they give you the floor to reach your full potential, and i will forever be grateful for that. I’ve also met the most amazing people! From the people behind the camera to my amazing co hosts, i still can’t believe i’m friends with you all ,” saad ni Paulene.
At siyempre, dito din niya nakilala ang importanteng tao sa kanyang buhay. Iyan ay si Bossing Vic.
“And most of all, I have found the man that my heart loves in this show. From that young teenager to the mom that I am today, Eat Bulaga was always there,” pahayag pa ni Pauleen.
Kaya naman, malaki ang pasasalamat ni Pauleen dahil dito siya nakabuo ng pamilya. At kung hindi dahil dito, malamang ay wala ang napakacute niyang baby na si Baby Tali.
The post Baby Tali, napangiti at napasaya ang mga dabarkads sa kanyang pagkanta ng theme song ng ‘Eat Bulaga’ appeared first on The Trending Planet.
Source: Trending Planet
0 Comments