Kilala bilang isang magaling at hinahangaang broadcast journalist and tv host ng GMA-7 network si Rhea Santos. Siya ay ay lagi nating napapanood noon sa morning news show na “Unang Hirit”, ng GMA Network.
Lumaki si Rhea Santos sa Marikina, ngunit siya ay ipinanganak sa San Mateo Rizal. Siya ay nag-aral sa St. Scholastica’s Academy, at nagtapos ng kolehiyo bilang Cum Lau De sa St. Paul’s College sa Quezon City kung saan siya kumuha ng kursong Mass Communication.
Halos 19-taon ng nagsilbi bilang isang journalist at host si Rhea sa ating mga manonood, kaya naman malaking desisyon para sa kanya ang magiging paglisan niya sa kanyang kinabibilangan show na pangpatangkad ng kanyang career bilang isang journalist.
Kamakailan nga lamang ng anunsyo ni Rhea Santos sa GMA Network morning TV show na “Unang Hirit”, na siya ang magpapaalam na dahil sa magkakaroon ng malaking pagbabago sa buhay nila ng kanyang pamilya. Ayon sa journalist ay magma-migrate na ang kanyang pamilya sa Canada.
Si Rhea Santos, kasama ang kanyang asawa at mga anak ay nag-migrate sa Vancouver, Canada kung saan ngayon sila ay naninirahan at nagsisimula ng panibagong buhay.
Noon ng ang isang taon, buwan ng Agosto ng magtungo na ang pamilya ni Rhea sa Canada, at sa kanila ng ang pagdating sa nasabing bansa ay agad ibinahagi ng journalist ang ilan sa kanilang mga larawan. “Beautiful chaos,” saad nito.
“Didn’t expect to receive so much love from all of you. Thank you. is aching, and I shed tears once in a while. But my heart is full ‘coz of your love. You make leaving so hard. No goodbyes. Just heartfelt gratitude for 19 years with you”, ang isinasaad pa nga ni Rhea Santos sa kanyang social media post.
Sa ngayon nga, ay paunti-unti ang naging pag-adjust ni Rhea at ng kanyang pamilya sa bansang Canada. Sa kanilang pagdating din doon ay agad siyang namili ng ilang mga kagamitan para sa kanilang bagong tahanan.
Nagsimula na ring mamasyal at mag-ikot-ikot sa magagandang lugar sa Vancouver si Rhea, na kung saan ay ilang mga larawan nga niya sa mga ito ang ibinahagi niya sa kanyang social media accounts.
Ilan sa mga magagandang lugar sa Vancouver na kanyang napuntahan ay ang Morton Park, Stanley Park, Garry Point Park at ang Vancouver Art Gallery.
Ibinahagi rin ni Rhea na hinahanap-hanap ng kanyang mga anak ang isa sa paboritong ulam ng mga ito sa Pilipinas, at ito nga ay ang Sinigang. At sa tulong naman ng kanyang mga followers, ay agad naman siyang nakahanap ng Sinigang seasoning mix doon kaya na pagluto rin niya ang kanyang mga anak.
Ayon pa sa kanya, kahit pa nga ba wala na siya sa “Unang Hirit”, ay morning person pa rin siya dahil sa nakasanayan na niya ang magising ng maaga. Nagsimula na rin umano ang kanyang pag-aaral sa British Columbia Institute of Technology.
Matatandaan nga na taong 2000 ng unang maging bahagi ng GMA si Rhea Santos, bilang isang working producer. Ilan naman sa mga show kung saan siya ay naging host ay ang Frontpage, At Your Service – Star Power, Eat Bulaga, Pinoy Abroad, News on Q (na ngayon ay GMA News TV na0, Draw the Line at Documentaries. Taong 2001 naman ng magsimula at maging parte si Rhea Santos ng morning show na “Unang Hirit”.
Source: Famous Trends
0 Comments