Ipinakita na Parehong Hilig ng Magkasintahan ang Musika Kamakailan nga lamang ng ilahad ni Sam Milby ang totoong relasyon nila ni Ms. Universe 2018 Catriona Gray, kung saan ay naging usap-usapan ito sa social media.
Mula nga ng mabatid na ng publiko ang kanilang totoong relasyon, ay madalas ng makita sa Instagram account nina Sam at Catriona ang ilang mga larawan nilang dalawa kung saan ay makikita ang kasiyahan at pagmamahal nila sa piling ng isa’t isa.
Samantala,maliban nga sa nararamdaman nilang pagmamahal sa isa’t isa, ay may pareho rin palang hilig at passion ang dalawa, at ito nga ay ang passion nila sa musika.
Makikita nga ang parehong pagkahilig ng dalawa sa musika ng ini-upload ni Catriona sa Youtube video niya noong Sabado ang isang “stripped version” ng kantang inilabas niya noong taong 2018 na “We’re in This Together”, sa video na ito ay makikita nga na habang siya ay kumakanta ay naroroon naman si Sam sa kanyang tabi at tinutugtog ang gitara.
Ang awitin ngang ito na ginawa ni Katrina at Sam ay isang purely artistic collaboration ng nasabing awitin,at ginawa nila upang maging isang “Music for a Cause” dahil ang bawat magiging streams at downloads umano ng kantang ito ay susuportahan ang kampanya sa Young Focus Philippines “Quality Educations for All”.
Hangad ng programang ito ang makapag-raise ng P1 milyon fund, upang makapagsimula ng online education plan para sa mga estudyante na nahihirapan ngayon sa kanilang pag-aaral dahil sa pagkakaroon ng pandemic.
Video Credit: YouTube
https://www.youtube.com/watch?v=083p8Sw97bk&feature=emb_logo
Sa caption naman ng video na ito na ibinahagi ni Catriona sa kanyang Youtube video ay makikita ang naging pasasalamat niya kay Sam Milby at sa ibang mga tao na tumulong upang maisagawa ang programang kanilang ginawa.
“Special thanks to my love Sam Milby, my Young Focus Philippines family and my Cornerstone Entertainment family”, ang naging caption nga ni Catriona sa video.
Sa kabila naman ng mga intrigang kinakaharap ngayon ng magkarelasyon Catriona at Sam, ay hindi naman ito naging hadlang para silang dalawa ay makagawa ng isang bagay na makakatulong sa mga mag-aaral na nangangailangan ng tulong sa kanilang pag-aaral ngayong mayroong pandemic.
Source: Famous Trends
0 Comments