Nico Bolzico, todo ang suporta kay Solenn Heussaff sa pag-aalaga ng kanilang anak kasabay ng kanyang ginagawang mga paintings

Bilang isang ina, napakaraming mga tungkulin ang dapat gawin lalo na kung mayroon kang sanggol pa na anak. Mas mahirap nga naman ito kung first time mom ka pa.

Kaya naman, kailangan talaga nila ang suporta galing sa kanilang asawa para mas magampanan ang tungkulin at maging masaya ang bawat isa.



Credit: Nico Bolzico Instagram

Ilang buwan na rin nang manganak si Solenn Heusaff. Masayang masaya sila ni Nico lalo na ngayon sa pagdating ng kanilang baby.

Sa IG post ni Nico, ipinakita niya ang napakabusy mom na si Solenn. Habang nagpapainom sya ng gatas sa kanilang anak, ay makikita ang isang painting na tila tinatapos ni Solenn.

Credit: Nico Bolzico Instagram

Multitasking nga naman na parehong ginagawa ni Solenn ang dalawang bagay na nakapagpapasaya sa kanya.

“Multitasking doesn’t exis… Never underestimate how many tasks a mother can do at the same time! That doesn’t mean they should, we must always be there to help, make sure they enjoy motherhood and be a reminder that they need to do things for themselves!,” kwento ni Nico.

Credit: Nico Bolzico Instagram

Kadalasan kasi sa mga moms kagaya ni Solenn ay hindi na nila nagagawa ang mga dati nilang nagagawa dahil sa kanilang mommy duties.



Credit: Solenn Heussaff Instagram

“In this past 6 months w #TiliBolz I realized that mums tend to focus on their babies so much that they forget about everything else, including themselves. Our role is to be a strong support system to make sure they can also enjoy life outside motherhood!,” dagdag pa ni Nico.


Kaya naman, nakakabilib ang ginagawa ni Solenn na napagsasabay niya ito. Hindi nga naman kailangan ni Solenn na kalimutan ang kanyang passion sa pagpipinta, kundi kaya naman niya itong linangin nang hindi napapabayaan si baby. Sa ganito ay parehong magiging masaya si mommy, baby at si daddy.



Credit: Solenn Heussaff Instagram

“A happy mum is the best mum! We love you @solennPS: I tried to get Tili after taking this pica but her mama gave the “don’t touch my daughter when I feed her” eyes!,” pahayag pa niya.

The post Nico Bolzico, todo ang suporta kay Solenn Heussaff sa pag-aalaga ng kanilang anak kasabay ng kanyang ginagawang mga paintings appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments