Naaalala Niyo Pa Ba Si RR Enriquez Ang Dating Host At Dancer Sa Wowowee Akalain Niyong Isa Na Palang Business Woman Ngayon

Natatandaan niyo pa ba ang isa sa pinakasexy at magandang dancer noon ng Wowowee na si RR Enriquez? Ang kanyang career sa showbiz ay nagsimula sa pagiging isa niyang magaling na dancer sa defunct noontime show na ‘Wowowee’ ng ABS-CBN na ang host ay si Willie Revillame.



Dahil sa kanilang angking talento, galing sa pagsasayaw, kasexyhan at ganda ay isa si RR Enriquez sa mga dancer ng Wowowee na naging popular sa industriya ng showbiz.
Photo Credit: rr.enriquez/Instagram
Ngunit sa kabila ng pagkakaroon niya ng magandang career sa industriya ng showbiz, ay pinili ng dancer na iwan ito at magsimula sa isang bagay na talagang noon pa man ay gustong gusto na niyang gawin sa kanyang buhay.
Photo Credit: rr.enriquez/Instagram
Tuluyang iniwan ni RR ang kanyang showbiz career taong 2011.
Pinasok niya ang larangan ng skincare business taong 2012, at dahil talagang malapit siya pagdating sa mga skincare product ilang buwan pa lang ng magsimula siya sa kanyang negosyo ay talagang nag-boom na ito.
Photo Credit: rr.enriquez/Instagram
Hindi nga siya nabigo sa pagpasok niya sa pagnenegosyo dahil ngayon, siya ay isa ng successful business woman at CEO ng kanyang sariling skincare business.
Photo Credit: rr.enriquez/Instagram
Isang business Laser Center at Rejuva Aesthetic sa Cavite ang itinayong negosyo ni RR, kung saan ay katulong niya rito ang kanyang longtime boyfriend na si Jayjay Helterbrand, isang PBA Player ng Team Barangay Ginebra.
Photo Credit: rr.enriquez/Instagram
Itinayo ni RR ang kanyang negosyo sa Cavite, dahil sa lugar na ito siya lumaki.
Sa isang naging panayam noon sa dating dancer ng Wowowee ay sinabi nito na hands-on siya sa pagpapalago ng kanyang negosyo, kaya naman masaya siya dahil maayos ang pamamalakad niya rito at lumago ito.
Photo Credit: rr.enriquez/Instagram
Kahit na isang successful business woman, ay nanatili pa rin ang pagiging humble at simple ni RR.
Ibinibigay din ni RR sa kanyang mga empleyado ang tamang pagtrato at pakikisama sa mga ito, dahil alam niya na ang mga ito ang isa sa makakatulong niya upang mapalago niya pa ang kanyang negosyo.



Saan nga mang panig ng mundo ay may mga maririnig tayong mga successful stories, kung saan ay ilan sa mga kwentong ito ay tulad ng kay RR na mula sa pagbuo ng kanyang pangarap at pagsisikap ay doon natupad ang isang masaganang buhay para sa kanya.
Maituturing din na isang halimbawa sa karamihan ang kwento ni RR, na kung mayroon tayong pangarap sa ating buhay ay wag tayong matakot na subukang abutin ito bagkus ay mas lalo pa nating i-push ang ating mga sarili na pag trabahuan ito upang maging matagumpay tayo anumang larangan ang ating tatahakin.


Source: Famous Trends

Post a Comment

0 Comments