Long Mejia at Alex Gonzaga, nagsama sa isang vlog na talagang nagdulot ng sobrang saya at katatawanan

Kilala natin ang sikat na komedyante na si Long Mejia at ang aktres na si Alex Gonzaga. Kapwa sila magkatrabaho ng matagal na magmula sa Everybody Hapi sa TV 5. Kasama nila ang mga sikat ding artista na sina Nova Villa, John Estrada, Jon Avila, Christian Vasquez at iba pa.



Credit: Master Long Mejia Youtube

Nasundan pa ng ilang pelikula at proyekto ang dalawa at ang pinaka latest ay ang mystery music game show na I Can see your Voice. Si Luis Manzano ang host ng naturang programa habang SING-vestigators naman sina Alex Gonzaga, Angeline Quinto, Kian Cipriano, Bayani Agbayani, Wacky Kiray at iba pa.

Credit: Master Long Mejia Youtube

Naging guest judge naman si Long doon dati. Ang trabaho nila ay mag imbestiga kung sino sa mga contestants ang see-nger o ang see-ntunado.

At ngayon, pareho ng vlogger sina Alex at Long at patuloy na nag-iinspire at nagpapasaya sa maraming tao sa pamamagitan ng mga videos na kanilang ina-upload.

Credit: Master Long Mejia Youtube

Nagpatuloy ang pagbibigay ng kasiyahan nina Alex at Long sa pamamagitan ng Vlog na inupload ni Long sa kanyang YouTube Channel na may title na “Blind Date with Alex Gonzaga”. Talaga naman nakapaghatid sila ng good vibes sa bawat netizens na nanood.



Credit: Master Long Mejia Youtube

Dahil miss na miss sila ay marami ang nakuhang komento na nagsasabing bagay talagang magka tandem ang dalawa pagdating sa pagpapatawa. Nag umpisa ang video sa paghahanap ng ka blind date ni Long.

Credit: Master Long Mejia Youtube

Inabutan pa ng halaman na nakalagay sa paso si Alex at tinanong kung binibigyan ba siya ng kanyang Fiance na si Mikee ng kagaya nito.

Credit: Master Long Mejia Youtube



Ang naturang content ng vlog ay nasa Happy Cup ang dalawa kung saan ito ang business ng Gonzaga Sisters. Nagsayaw pa ang dalawa ng ilan sa mga sikat na Tiktok dance cover. Naka video call din nila ang kaibigang si Luis Manzano, at nakisama din sa kakulitan ng dalawa.

Inaasahan ng karamihan na marami pang kagaya nito ang maging content nila dahil nakaka good vibes nga naman ang tandem ng dalawa.

The post Long Mejia at Alex Gonzaga, nagsama sa isang vlog na talagang nagdulot ng sobrang saya at katatawanan appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments