Kontrabida Actor Dindo Arroyo Heto Na Pala Ang Buhay Niya Ngayon

Dito sa ating bansa, ay maraming mga beteranong aktor ang talaga namang hinahangaan at tumatak na sa isipan ng ating mga kababayan. Ang iba nga sa kanila ay nanatili pa rin sa industriya at patuloy nating napapanood sa telebisyon, ngunit ang iba naman ay sumakabilang buhay na.



Maswerte ang batang ipinanganak ng 2000, dahil ilan sa mga beteranong aktor noong 70’s hanggang 90’s ay naabutan pa nila at natunghayan pa nila ang galing ng mga ito sa pag-arte. Isa na nga rito ang beterano ng kontrabida actor na si Dindo Arroyo.
Image Credit via Google
Kilala bilang isang magaling na kontrabida sa mga pelikula, lalo na sa mga mala-aksyong pelikula si Dindo Rivera. Sa katunayan, ay halos nasa isang daan pelikula na ang nagawa niya.
Image Credit via Google
Ngunit paano nga ba nagsimula sa industriya ng showbiz si Dindo?
Ayon sa ulat, isang beteranong aktor rin ang nakadiskubre kay Dindo Arroyo at ito ang tumulong sa kanya na makapasok sa industriya.
Image Credit via Google
Unang nadiskubre si Dindo ng beteranong aktor na si Philip Salvador, ito ay ng nagkataon na ng mangolekta siya ng renta ay mayroon palang shooting. At isa pala sa umuupa sa kanila ay staff ng Viva Films. Dito na nga siya inimbitahan ni Philip Salvador na maari siyang maging isang aktor.
Image Credit via Google
Bilang isang beteranong aktor, pinayuhan ni Philip Salvador si Dindo na mag-aral ito ng Taekwondo, at magpahaba ito ng kanyang buhok.
Image Credit via Google
Mula sa pagiging isang engineering student, naging assistant si Dindo ni Eddie Garcia sa pelikula nito na Ikasa Mo, Ipuputok Ko noong taong 1990.
Image Credit via Google
Sa kanyang pagsisimula nga sa industriya ng showbiz, ay nakitaan si Dindo ng kanyang natatanging galing sa pag-arte at nagkaroon nga siya ng pagkakataon na makatrabaho ang the Magic 5 of action movies na sina Philip Salvador, Lito Lapid, Bong Revilla, Rudy Fernandez at Fernando Poe Jr.
Isa nga sa mga hindi makakalimutang ginawa niya ay ng tumalon siya mula sa helicopter at bumagsak sa umaandar na train dahil sa nagbacked-out ang kanyang ka-double sa stunts.
Hindi nga lam ang laging kontrabida ang nagiging role ni Dindo sa mga pelikula, dahil may isang role siya na kung saan ay gumanap siya bilang isang ama, na pinatay ang kanyang anak kaya naman talagang lumabas rin ang kanyang galing pagdating sa drama.
Ngunit kahit nga maganda ang tinatakbo ng kanyang karera bilang isang action star, nagdesisyon si Dindo Arroyo na iwanan ang showbiz upang mamuhay ng pribado at simple kasama nag kanyang pamilya.



Samantala, matapos iwan ang showbiz industry taong 2014 ay inoperahan si Dindo sa kanyang atay, ito ay matapos makita ng mga doctor na siya ay may liver cancer at ito ay nasa stage 4 na. Sa tulong ng ilang mga gamutan at pag-inom niya ng mga herbal medicine ay tuluyang nakarecover si Dindo, hanggang sa manumbalik ang kanyang lakas.
Taong 2009 naman ng yumao ang asawa ni Dindo Arroyo, kaya naman ngayon ay naninirahan ito kasama ang kanyang anim na anak. Matatandaan rin na muling lumabas si Dindo sa telebisyon, ito ay ng ma-feature siya sa FPJ’s Ang Probinsyano.


Source: Famous Trends

Post a Comment

0 Comments