Hindi mo nga naman alam kung hanggang saan tayo dadalhin ng ating kapalaran sa buhay. Napakabilis ng panahon at kung minsan ay mabibigla ka na lang na napakalayo na pala kung saan ka dinala ng tadhana.
Ang ating mga bayan kung saan tayo namulat ay talaga namang kasiya-siya. Dito nabuksan ang ating mga isipan, at dito natin naranasan ang lahat ng ating mga first time sa buhay. Kaya naman, talagang memorable ang ating mga bayan na namulatan o ang ating mga hometown.
Gaya na lamang ng Saranggani na talagang malapit sa puso ni Jinkee. Kwento ni Jinkee, ito ang lugar kung saan nangyari ang mga mahahalagang pangyayari sa kanyang buhay mula sa kanyang pag-aaral, pagtatrabaho, pagkakilala niya kay Manny, hanggang sa makabuo sila ng pamilya. Binalikan pa niya ang bonding ng kanilang ama sa bukid.
“Ang “kariton” (bow) Nagpapasalamat ako sa Panginoon na nakablik ulit ako sa lugar kung saan kami nakatira nung bata pa ako , kung saan ako lumaki at nag aral ng elementary. Ang saya saya lang balikan ang nakaraan kung saan sumasakay kami ng kariton noon.
Sinasama kami noon papunta sa bukid sa niyugan ng tatay ko sakay ng kariton at ngayon masaya ako na ma-experience ulit na sumakay kasama ang mga anak ko. ,” paglalahad ng kwento ni Jinkee.
Kasama naman niya ang kaniyang mga anak na sina Princess and Queenie sa pagsakay sa kalabaw o kung tawagin nila ay “kariton”. Ibabahagi naman nila ang kanilang pagiikot at pagsakay dito habang namamasyal sa Saranggani sa kanilang Youtube Channel.
“Masaya sila na na-experience nila at hindi sila natakot! Abangan po ang video part #1,2 and 3 sa youtube channel ko. Ang saya saya promise! #karitonsabisaya#gratefulforeverything #Godisgoodallthetime #starringangdriverclassmatekosaelementary,” saad pa niya.
Nagmula lamang si Jinkee sa simpleng buhay sa kamiyang bayan sa Saranggani. Sa kanilang sipag at tiyaga ni Pacman, ngayon ay isa na sila sa pinakamatagumpay sa bansa. Pero, sa kabila nito sila pa rin ay marunong paring bumalik sa kanilanh pinagmulan.
The post Jinkee Pacquiao, masayang binalikan ang lugar kung saan sila nakatira noon habang sakay ng isang kariton appeared first on The Trending Planet.
Source: Trending Planet
0 Comments