Araw-araw, hinihintay natin ang bawat umaga na tayo ay magising at makita ang bagong umaga. Sabi nga nila, ang bawat bagong umaga ay sumisimbolo ng bagong pag-asa. Kaya naman, dapat ay nagsisimula ang bawat umaga natin ng masaya, at puno ng p0sitive at good vibes sa buhay.
Gaya na lamang ni Jinkee Pacquiao. Mula nang sila ay umuwi at namalagi sa Sarangani province, makikita nga naman na talagang nag eenjoy siya kasama ang kanyang pamilya sa probinsya.
Nagbonding sila ng kanyang mga anak at pamilya sa iba’t ibang mga lugar at tila nagbalik tanaw sa kanilang probinsya. Gaya na lamang ng mga bukirin, at beaches doon.
Makikita sa mga IG posts na ito na talagang nag eenjoy sila at tila napakaganda ng simula ng kanilang umaga. Inumpisahan ni Jinkee ang kanyang umaga ng masarap na almusal.
Ang almusal nila ay napakasarap na pandesal, kape, at suman. Nakakatakam nga naman talaga ang almusal na ito lalo na at samahan mo pa nito ng napakagandang view ng beach sa Sarangani.
“Happy life begins by saying “Thank You, LORD” Good Morning ,” sambit ng caption ni Jinkee na may larawan ng beach.
Napakaganda nga namang makita kung gaano nagpapasalamat si Jinkee sa Panginoon sa araw-araw. Sa dami ng mga blessings na nararanasan nila, ang pagdarasal sa Panginoon ay isang bagay na mahalaga upang magpasalamat sa lahat ng mga tinatamasang pagpapala sa buhay.
Sino ba ang hindi gaganahang magalmusal kung ikaw ay nasa magandang view ng beach na ito? Good vibes talaga ang sasalubong sa iyo sa isang buong araw nito.
Samantala, todo naman ang effort ni Jinkee sa pagkakaroon ng healthy lifestyle sa pamamagitan ng kanyang daily exercise routine sa probinsya. Kailangang kailangan nga naman talaga ito ngayon lalo na sa pandemyang ating nararanasang.
“Work harder. Feel Stronger. Never Give up,” saad naman ni Jinkee sa kanyang IG caption habang nag eehersisyo.
The post Jinkee Pacquiao, ipinasilip ang masayang buhay matapos makabalik sa probinsya at makasamang muli ang iba nilang kapamilya appeared first on The Trending Planet.
Source: Trending Planet
0 Comments