Bahagi ng ating childhood memories ang pagbubunot ng mga milk teeth. Pag tayo kasi ay bata, hindi pa permanente ang ating mga ngipin. Bahagi ng growth stage ang pagkalaglag ng kusa ng mga ito.
Pero, ang iba’y kusa na itong binubunot kapag randam na nilang umuuga na ito para maiwasan ang pagkaka sungki sungki ng mga ngipin.
Iyan ang ginawa nila Rey Soldevilla at Yasmien Kurdi sa kanilang anak na si Ayesha. Sa video, makikita na napakahaba talaga ng kanilang usapan para ipaliwanag kung bakit kailangan nilang gawin ito.
Noong una’y gusto ni Ayesha na magbilang sila ng 1 to 30, tapos naman ng pagbibilang ng 30 ay hindi pa rin ito nabunot.
Ang gagawin nila ay lalagyan ng sinulid ang ngipin na bubunutin. At hihilain ito ng kanyang tatay.
Kinwento pa ni Yasmien at Rey ang dalawang version na paghila sa sinulid. Sa kwento ni Yasmien, itatali ang sinulid sa pinto at kapag itutulak ang pinto ay mabubunot na ang ngipin. Iba naman ang version ni Rey.
Ayon kay Ayesha, ay mas gusto niya ang version kanyang Daddy. Kaya matapos nito, ay nabunot na nila ang ngipin ni Ayesha at tuwang tuwa naman siya tapos nito.
Napa throwback naman ang mga netizens dahil dito:
“Ang galing nyo nmang magulang pinaranas nyo sa anak nyo ung old bunot ng ipin dati lalo na sa mindanao un ang lagi ginagawa ng mga matatanda”
“Omg..pati ako nanerbyospero ang galing it was a successlol..i will do this my son too”
“Hahahah parang ung baby ko nung isang araw nagrereklamo gumagalaw n ung ngipin. Tinali sa sinulid at pinahila cute ni ayesha”
“Same,, lng din.. Nong maliit ako,, minsan Ako mismo,, magtanggal .. Tulak tulak ko lng sa dila Yong sirang ipin…. After one week.. Wala na,,, tanggal na..”
“Ang gling .. pinanood q tlga KC ung son q may ngipin n ding gumagalaw .. ninerbyos aq. . hahaha. . npasigaw pq pgkahila .. hahahha”
The post Yasmien Kurdi at kanyang asawa, nakumbinsi ang kanilang anak na ipabunot ang umuugang ngipin gamit ang sinulid appeared first on The Trending Planet.
Source: Trending Planet
0 Comments