Marami sa atin ngayon ang nahihilig sa pagtatanim ng iba’t-ibang halaman sa ating mga bakuran, na kung saan ay malaki ang maitutulong nito sa ating kalikasan. Sa naging mahabang bakasyon nga ng ilan sa atin, sa kani-kanilang mga trabaho dahil sa pagkakaroon ng general quarantine, ay ang pagtatanim ang ating naging libangan.
Kahit pa nga ba mga kilalang personalidad, ay hindi rin nagpahuli, dahil ilan sa ating mga hinahangaang artista ay naging libangan at nakahiligan na rin ang pagtatanim.
Kaya naman sa kani-kanilang mga bakuran, ay mayroon na rin mga mini garde o mini farm kung saan makikita ang kanilang mga itinatanim na halaman dito.
Isa nga sa mga aktres na nakahiligan at na-enjoy na rin ang pagtatanim, ay si Judy Ann Santos – Agoncillo.
Sa kanyang Instagram account, ay ipinakita ni Judy Ann ang ilan sa kanyang mga itinanim na halaman, at isa na nga rito ay ang tanim niyang spinach, na ayon sa kanyang caption ay masaya siyang nakapagharvest ng tanim niyang ito, na hindi nga lang masyadong halata sa kanyang mukha dahil sa marami ang mga lamok na lumalapit sa kanya.
“Nakapag Harvest na kami!!!! Yaayyy! Hindi lang halata ang saya sa akin bilang malamok! Pero masayang masaya ako!! #mylittlebukid” Makikita pa nga sa ilan pang mga larawan na ibinahagi ng aktres, na maliban sa spinach ay may iba’t-ibang halamang gulay pa siyang itinanim na unti-unti na ring lumalago.
Dahil sa hindi naman kalakihan ang taniman na ito ni Judy Ann sa kanilang bakuran, ay tinawag ito ng aktres na “my little bukid”. Dahil kahit pa nga ba maliit ito, ay iba’t-ibang klase ng pananim na gulay naman ang makikita rito, na talaga namang nakapagpapasaya sa kanya lalo na tuwing nakakapag-harvest siya.
Iba nga naman ang sayang dulot, ng pagtatanim, lalo na kung sa araw-araw na gigising ka sa umaga ay makikita mo ang iba’t ibang improvement ng iyong itinanim. Katulad ng kanilang pamulaklak at pamumunga na talaga namang nakaka-aliw pagmasdan.
Hindi nga lamang enjoy ang makukuha natin sa pagtatanim sa ating mga bakuran, dahil hatid din nito sa atin ay mga sariwang gulay kapag nakapag-ani tayo sa ating mga pananim na maari nating ihain sa ating mga pamilya.
Source: Famous Trends
0 Comments