Sanya Lopez, di napigilan na maiyak dahil sa ginawang prank sa kanya ng kapatid na si Jak Roberto

Isa sa mga prank na usong uso ngayon lalo na sa mga vlogs at Youtube Channel ay ang Ignoring someone prank na kung saan sa loob ng ilang oras at minuto ay hindi papansinin ng bawat isa ang pinaprank.



Credit: Jak Roberto Youtube

Matatandaan na isa sa mga nab!ktima nito ay ang napakasikat na si Ivana Alawi at nakuha pa niyang umiyak dahil dito.

Ngayon naman ay nasampolan din ang GMA actress na si Sanya Lopez. Kilala si Sanya Lopez sa pag-arte at isa sa kanyang mga sikat na ginampanan ay ang role ni Danaya sa Encantadia.

Credit: Jak Roberto Youtube

Pero ngayon, tila siya muna ang mapaprank sa ginawang pag-arte ng kanyang pamilya kasama ang kanyang kapatid na artista din na si Jak Roberto.

Makikita sa unang bahagi ng video na talagang lahat ng tao sa kanilang bahay ay hindi pinapansin si Sanya. Gusto pa nilang mag order ng pagkain pero hindi talaga nila pinapansin si Sanya.

Credit: Jak Roberto Youtube

Hinahanap pa ni Sanya si Kuya Frank. Kinakausap niya ang kanyang mga kasama sa bahay pero di talaga nila pinapansin si Sanya.

Umakyat nalang si Sanya sa taas. Sinundan naman siya ni Jak at tinanong kung napano siya. Dito ay sinabi niya na bakit hindi siya pinapansin kaya naman sinabi na ni Jak na prank lang ito. Umiyak na si Sanya habang tawang tawa naman si Jak.



Credit: Jak Roberto Youtube

Pagkababa ay tila gusto namang i prank ni Jak at Sanya ang kanilang mga kasama dahil pagkababa ay nagkunwaring nag aaway ang dalawa.

Credit: Jak Roberto Youtube

Tila randam na ng mga kasama nila sa bahay ang tensiyon pero agad namang sinabi ni Direk na huwag magpa b!ktima dahil nag paprank din sila.

Narito naman ang mga komento ng mga netizens:

“Ang cute ni sanya. sa “PRANK” Dito talaga ma test kung ano ang tunay na ugali ng tao. Good job sanya! ❣



Credit: Jak Roberto Youtube

“I just love watching you two siblings so much close and full of love. I wish my son and daughter’s relationship just like you.”

“ang cute ni sanYa😍😍 lalo na ung umiiaaYak na sia, batang bata e😂😂 “susumbong kita kaY mami”

Credit: Jak Roberto Youtube

“kuya be like: yung umiyak yung kapatid tuwang tuwa pero yung umiyak yung girlfriend takot na takot. HAHAHAHA anyway, Sanya, kakahanap mo kay kuya frank ayan ikaw ang na prank. hahahaha”

The post Sanya Lopez, di napigilan na maiyak dahil sa ginawang prank sa kanya ng kapatid na si Jak Roberto appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments