Umapak ang ikatlong Linggo ng Hunyo at muli nating ipinagdiwang ang espesyal na araw ng mga magigiting at masisipag nating mga tatay, daddy, papa o ang ating mga ama.
Kanya kanya nga naman tayo ng paraan kung paano sila sosorpresahin at maipaparamdam sa kanila na sila ay espesyal lalo na sa araw na ito.
Sa nakaraang Father’s Day special ng vlog ni Mariel Padilla ay makikita ang kanyang todong effort para kay Robin. Ayon kay Mariel, gagawin niya kung ano ang paboritong merienda ng mga Padilla. At ang sinagot ni Robin ay Freshly baked na Pandesal dahil mayroong panaderia sa harap ng kanilang bahay noon.
Kaya naman, ibinahagi sa atin ni Mariel kung paano at ano ang kanyang recipe ng Pandepadilla.
Sa kwento ni Mariel, dumaan din naman talaga siya sa mahabang proseso. Noong unang subok ay masarap pero matigas ito, sa ikalawa ay malambot na pero hindi maganda ang hugis nito. Hanggang sa ikatlo ay natumbok na niya ang tamang recipe.
Narito ang nga ingredients na dapat ihanada sa pagbabake:
Salt, 1/2 cup Sugar, Butter, 1 cup Milk, 4 tbsp butter, Yeast, Fine Bread Crumbs, 6 Eggs, 2 1/2 Cup All purpose Flour, 2 Cup Bread Flour
Makikita nga naman talaga sa video na napaka ma trabaho talaga ito. Bukod sa mga ingredients, kailangan mo ring magbaon ng pasensya at lakas sa pagmasa at maghintay hanggang umalsa na ang dough.
Pero, nakaka enjoy naman itong tignan at mas matatakam ka na lang kapag tapos nang mabake ang mga ito.
Maging mga netizens ay talagang natakam na sa pandesal na ito.
“Sarap nyan idol homemade pandesal at may palamang queso de bola namiss namin yan lol”
“Hello Idol and Mariel. Happy Fathers Day Idol. 🖒🖒 Ano pala ang temperature? Subukan kong mag bake ng pandesal. Na-inspired nyo ako.”
“I love this episode..step by step ang procedure madaling sundan..inshallah magawa ko din ang ganyan kagandan pandesal..love you 2 “
The post Robin at Mariel Padilla, ipinasilip ang kanilang ginawa na napakasarap na Pandesal na tinawag nilang Pandepadilla appeared first on The Trending Planet.
Source: Trending Planet
0 Comments