Pokwang, ipinasilip ang kanilang buhay ngayong wala ang kanilang mga kasambahay

Pagdating sa mga gawaing bahay, ang naging normal na ngayon lalo na sa mga taong busy sa trabaho gaya ng mga artista ay kumuha ng kasambahay.



Credit: PokLee Cooking Official Youtube

Gaya na lamang ng mag-asawang Lee at Pokwang. Mayroon silang mga kasambahay pero dahil sa pinatupad na quarantine, pinauwi muna nila ang mga ito dahil naiisip din nila na mayroon din silang mga sariling pamilya na kailangan sila sa ganitong panahon ng pandemya.

Kaya naman, ibinahagi sa atin ng mag-asawang Lee at Pokwang ang kanilang mga pinagkaabalahan sa bahay sa loob ng isang araw.

Credit: PokLee Cooking Official Youtube

Unang inasikaso ni Lee ang paglilinis sa kanyang sasakyan. Talaga namang hands on si Lee sa kanyang mga SUV.

Credit: PokLee Cooking Official Youtube

Sumunod ang isa sa mga hilig nilang mag-asawa ay ang pagtatanim at pagdidilig sa kanilang hardin. Ipinakita pa ni Lee ang compost na kanyang gagamitin para sa mga halaman.



Credit: PokLee Cooking Official Youtube

Matapos nito ay maglalaba naman si Pokwang at Lee. Takang taka si Lee kung paano nga ba sila maglalaba dahil sinabi ni Pokwang na maglalaba sila gamit ang kamay.

Credit: PokLee Cooking Official Youtube

Tinuruan ni Pokwang si Lee kung paano nga ba maglaba ng walang ginagamit na washing machine. Inilarawan pa ito ni Pokwang na old way of laundry ng mga Pinoy.

Credit: PokLee Cooking Official Youtube

Panghuli, matapos ang lahat ng pagod ay sa hapag kainan naman ang tuloy ng mag-asawa at namnam na namnam nila ang masarap na pagkain at kilig sa isa’t isa.

Maging mga netizens ay natuwa at nabilib sa mag-asawa:

“Lee and Pokie you guy’s are amazingly funny! cracked me up, Lee how’s the Pilipino way how to wash clothes by hands? ðŸ˜‚😃😄😂



Credit: PokLee Cooking Official Youtube

“The best couple ever! Funny and sweet. We love you Tita Pokwang! You never failed to put laughter in our faces! Stay safe sa buong family mo. Love lots from Renzie and Baby Tyler ðŸ’‹ðŸ’‹ðŸ’‹❤❤❤❤

“Lucky you Miss POKIE, u have a loving husband and a beautiful daughter. Forget all the BASH3RS, they are jealous bc they don’t have a nice man in their life. Stay safe”

The post Pokwang, ipinasilip ang kanilang buhay ngayong wala ang kanilang mga kasambahay appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments