Katulad ng ibang simpleng mamamayan, may ilang mga artista din ang dumaraan sa krisis ng kanilang mga buhay. Isa na nga sa mga ito si Maricar Reyes-Poon, na dumaan sa malaking krisis noon dahil sa naging malaki ang pagkasira nito sa kanyang iniingatan reputasyon.
Ngunit kahit pa nga ba may nangyaring ganito, ay hindi naman ito ang nagpahinto sa buhay ng modelo, bagkus ay ginawa niyang aral ang pangyayaring ito, at dito na nga nagbago ang pananaw niya sa kanyang buhay.
Sa kanyang video vlog, ay ibinahagi ni Maricar kung paano niya inaalagaan ang kanyang pangalan bilang isang modelo, isang professional at isang tao.
“The basis of my confidence was I was a good person, and I have a good reputation and then a crisis happened.”
Ayon nga kay Maricar, kilala siya bilang isang mabuting tao na may maayos na reputasyon, ngunit dahil sa isang hindi magandang pangyayari ay nagbago ang tingin ng lahat sa kanya.
“This crisis, medjo malaki siya, and it’s ruined my reputation. All those years, people thought well of me, mabait ako na tao… it was all gone.”
Kwento pa nga ni Maricar, dahil sa krisis ng kanyang pinagdaanan ay halos nahihirapan siyang mahalin muli ang kanyang sarili, dahil na rin sa ang tingin sa kanya ng iba ay masama.
“It’s hard to have self-love when people think badly of you. People were judging me. Akala nila na dahil dun sa mali na ginawa ko, alam na nila yung buong pagkatao ko at that’s really hurts.”
Dahil nga sa pangyayaring ito sa buhay ni Maricar, ay marami siyang natutunan sa kanyang buhay. Ang pangyayari ding umano na ito, ay nagbibigay aral sa kanya, na kung saan ay mas nag-iba ang kanyang pananaw sa kanyang sarili.
Ayon pa nga sa modelo, hindi nga naman lahat ng bagay sa mundo ay nakokontrol natin, tulad na lamang ng pangyayaring ito sa buhay niya na hindi niya plinanong mangyari.
“I can’t control everything in my life.”
Isa pa nga sa mga natutunan ng aktres, sa nangyaring krisis sa kanyang buhay ay ang hindi niya dapat ibase ang kanyang halaga sa kanyang pinag-aralan, mga kakayahan, sa kanyang sarili at sa sinasabi ng ibang tao.
“I had to know what needed to be fixed from the inside. A big part of my crisis was because of years of me, ignoring or not fixing my character flaws.” Dahil nga sa naging pangyayari sa kanyang buhay, ay kinakailangan umano ng baguhin ni Maricar ang kanyang sarili at ayusin ito.
Nagsimula siya sa kanyang pagbabago, ng paniwalaan niya sa kanyang sarili na sa lahat ng kanyang pinagdaanan ay ang Diyos na Lumikha lamang ang magiging kasagutan.
“Nung nagka-crisis ako, nabuksan ang isip ko to start believing that the only answer that made sense to me was God. It’s a very long process of getting to know God and what he says about me.”
“People’s opinion of me can change, my opinion of myself can change, but His opinion of me, yun yung hindi nagbabago.” Ayon pa nga kay Maricar, kahit pa nga ba mag-iba ang opinyon ng bawat tao sa kanya o maging ang opinion niya sa kanyang sarili, panghahawakan naman niya na ang opinyon ng Diyos sa kanya ay hinding hindi magbabago.
Sa ngayon nga, sa kabila ng krisis na pinagdaanan niya sa kanyang buhay noon ay masaya ng pamumuhay ngayon si Maricar. Masaya rin ang kanyang buhay may-asawa,matapos niyang ikasal kay Richard Poon, isang singer at businessman.
Source: Famous Trends
0 Comments