Noon pa man, hinihikayat na sa atin ang urban farming at gardening upang mapalaganap ang kahalagahan ng pagtatanim. Isa itong kapaki pakinabang na gawain lalo na sa mga urban areas na talagang punong puno ng establisyemento at wala ng lugar para sa pagtatanim.
Kaya naman, talagang tinuturuan tayo na magtanim sa mga bakanteng lote o maging sa mga garden o bakuran. Mas naging matunog ang panawagan sa pagtatanim lalo na ngayong panahon na mayroong C0VID, na kung saan mahalaga ang pagkain ng masusustansyang pagkain gaya ng gulay.
At dahil tayo ay nasa home quarantine, isa sa mga pwedeng pagka abalahan ay ang pagtatanim. Bukod sa mapapawi na ang iyong inip, may makikita ka pang mga bunga sa iyong pagtatanim.
Maging ang mga showbiz personalities ay nagtanim din sa kani kanilang mga bakuran at garden na makikita sa kanilang mga social media accounts.
Isa si Judy Ann Santos sa sumubok nito. At ngayon, ipinakita niya ang kanyang itinanim na spinach. Lumago na ito at pwedeng pwede namg ihalo sa iluluto mo!
“Nakapag harvest na kami!!!!yaayyy!!! Hindi lang halata ang saya sakin bilang malamok! Pero masayang masaya ako!!! #mylittlebukid,” saad ni Juday sa kanyang IG.
Kwento nga ni Juday, medyo hindi halata ang saya sa kanya dahil tila nastress siya sa mga lamok. Pero, masayang masaya siya sa kanyang mga naging fruit of labor.
Pinangalanan niya pa ang kanyang garden na “Little Bukid”. Maliban sa spinach, makikita din ang iba’t ibang mga masustansyang gulay dito sa kanyang farm.
Nakakatuwa nga naman talagang magtanim lalo na kung makikita mo na ang iyong mga itinanim ay lumago na at namumunga na.
Kaya naman, hinihikayat natin ang bawat isa na magtanim sa kani kanilang mga bakuran. Ito ay malaking tulong sa kalikasan, at masisigurado pa na masustansya at ligtas ang mga bunga at gulay nito dahil ito ay sariling ani.
The post Judy Ann Santos, ipinasilip ang kanyang vegetable garden na tinawag nyang ‘my little bukid’ appeared first on The Trending Planet.
Source: Trending Planet
0 Comments